12thAug

Mga Bunga ng Linggong Nakaraan

Naka-huli na naman ako ng ilang magagandang aklat nitong Sabado at Linggo. Ayaw ko na sanang bumili ng mga libro (bago mag-Manila Int’l Bookfair), pero di ako nakapagtimpi. Hay.

Sa Tulaan sa Tren / Book Launch ni Rio Alma (Sabado):

POETRY
Rio Alma trans. Marne Kilates, Mga Biyahe, Mga Estasyon = Journeys, Junctions, Php 300
NCCA (Rio Alma ed.), Bulawan 19: Journal of Philippine Arts & Culture, Php 200

Sa National Bookstore Robinsons Galleria (Linggo, pagkatapos ng LIRA lecture sa umaga sa Ortigas Library):

CREATIVE NONFICTION
Luis Joaquin M. Katigbak, The King of Nothing to Do: Essays on Nothing and Everything, Php 350

Sa Booksale SM Megamall (Linggo, pagkatapos ng lecture sa hapon):

POETRY
Suzanne Lumis, In Danger, Php 15

LITERARY ANTHOLOGY
Raritan: A Quarterly Review Vol. 27 #3, Php 70
Lynx Eye Fall 1997, Php 15

MISCELLANEOUS
Daniel P. Friedman and Matthias Felleisen, The Little LISPer, Php 10
Laurel Danara, Unofficial Riven: The Sequel to Myst Strategies & Secrets, Php 5

8thAug

Na-Interbyu Ako.

Mula sa Multiply ko:

* * * * *

Hindi, hindi kay Nancy Castiglione ulit. Napagtripan kasi ako ng aking kaibigan, kapwa manunulat, ka-batch sa LIRA 2007, at isang magaling na makata na si Rogerick Fernandez — iinterbyuhin daw niya ako para sa blog niya. Pinaunlakan ko naman kahit di ko alam kung tungkol saan ang pag-uusapan.

Mababasa rito ang panayam.

Lumalabas na ang panayam niya sa akin ang unang edisyon sa kanyang bagong “proyekto.” Takte, hindi ko alam na ‘yun pala ang magiging pamagat ng proyekto ni Rhodge (basahin na lang ang interbyu para malaman kung ano). Hehehe. Pero h’wag malinlang sa pamagat ng panayam — may lalim ang mga napag-usapan namin, kasama na siyempre ang literatura.

Heto ang ilang sipi mula sa interbyu.

Tungkol sa aking pseudonym/online handle:

Rhodge: Teka, pag sine-search kita sa Internet, synonymous sa name mo ang The Corsarius. Ano ba ung term na ito?

Phillip Kimpo Jr.: Ah. Mahabang kuwento iyan. Una, ang Corsarius ay Latin ng salitang “corsair”, o pirata.

Rhodge: OK. Captain Hook, ikaw ba yan? Hehe!

Phillip Kimpo Jr.: Nakahiligan ko itong salitang ito noong high school ako. Alam mo na, iyong punto ng buhay natin na naghahanap tayo ng maayos na online nickname para sa YM at ano pa.

Una kong nabasa ang salitang “Corsarius” sa isang nobelang sci-fi. Noong high school ako, wala pa masyadong kahalagahan ang nickname na iyon para sa akin. Wala lang, “cool” at unique lang. Pero habang tumatanda ako ay nabibigyan ko na siya ng mas malalim na kahalagahan at kahulugan. Para bang “retrofitted” ang meaning.

Mas malalaman ‘yon sa isang sanaysay ko sa tinatapos kong aklat ng mga kuwentong personal, ang Corsair of Cordillera Street.

Basahin ang kalakhan ng akdang ito »

6thAug

Mga Retrato: LIRA sa Museo Pambata

Noong nakaraang Sabado ay ginanap sa Museo Pambata ang mga LIRA lecture para sa epigraph (Fidel Rillo) at ekphrasis (Marne Kilates).

Isa lang ang masasabi ko: Literatura + Pagiging Bata Muli = Kasiyahan.

Unang beses ko palang makapunta ng Museo Pambata. Kanyubilibit?

Mahalagang aral: ‘wag magdadala ng mga deprived na yuppie/young artists sa lugar na pambata. Ang kabastusan at pagmumura mula sa mga bibig nila ay nakalalason sa utak ng mga musmos. Hehe.

Puntahan ang aking Multiply album para sa lagpas 150 na retrato ng araw na ‘yon.

4thAug

Aklan, Pagkaraan ng Hagupit ni Frank

Mula sa aking Multiply blag:

Ang “hagupit” ay isang understatement.

Lingid sa kaalaman ng nakararami, madugo at malupit ang sinapit ng Aklan noong nakaraang bagyong Frank. Ang Aklan ang tinubuang bayan ng aking pamilya, at kahit dito na ako pinanganak sa Lungsod ay purong dugong Akeanon ako.

Di masyadong nabigyang pansin ang sakuna sa media, lalo na sa Metro Manila. Mas nabigyan ng pansin ang nangyari sa Iloilo (na alam naman nating mas prominente keysa Aklan sa isla ng Panay).

Di rin nakatulong na sinabi ni DOT secretary Ace Durano na hindi kalakihan ang sinapit na pinsala ng Kalibo at Aklan. Kahit ako ay napamura noong nabasa ko ‘yon sa diyaryo.

Kaya — salamat sa Diyos — ay may maayos nang lumabas na salaysay tungkol sa mga totoong nangyari.

Basahin ang buong blag post dito.

1stAug

Ikalawang Isyu ng Bulawan Online

Ang aming press release:

* * *

Lumabas na po ang ikalawang isyu ng Bulawan Online, tampok ang mga tula, pagsusuri, at panayam nina Charles Tuvilla, Phillip Kimpo Jr., Roberto T. Añonuevo, Michael M. Coroza, Vim Nadera, at Virgilio S. Almario.
Magpunta lamang po sa www.bulawanonline.com.

Mula sa mga editor:

ISYU BLG. 2, TOMO 1. Ipinagmamalaking ilathala ng Bulawan Online sa isyung ito ang katangi-tanging mga akdang pampanitikan sa mga buwan ng Agosto-Setyembre 2008.

Mga sipi mula sa mga akda:

Estetika at Pagtanaw hinggil sa Dalawang Lungsod, pagbása ni Roberto T. Añonuevo sa mga tula nina Charles Tuvilla at Phillip Kimpo Jr.:

Maaaring tanawin ang lungsod sa iba’t ibang paraan, at isa sa rito ang pagtatanghal sa punto de bista ng isang tagalungsod na dumadama sa loob ng lungsod at tumatanaw papalabas ng sakop nito at tanging siya lamang makababatid. O kaya’y tingnan ang lungsod mula sa labas nito, nang sa gayon ay mabatid ang kabuuan ng lungsod na hindi mababatid ng tao na nasa loob nito at ang sipat ay limitado. Ang ganitong pagtanaw hinggil sa lungsod ang ipinamamalas ng mga tulang “Sa Unang Ulan ng Mayo” ni Charles Tuvilla at “Talà” ni Phillip Kimpo Jr.

Basahin ang kalakhan ng akdang ito »

31stJul

Mga Retrato: UP Parser Writing Workshop

Matatagpuan sa aking Multiply ang mga pics ng UP Parser Writing Workshop, kung saan nagsilbi ako bilang head panelist.

27thJul

Mga Bunga ng Isang Linggong Book Hoarding

Isang pagmamalabis, pero gets niyo na ang ibig kong sabihin. Eto na naman ako sa pagiging adik sa mga libro.

Nitong huling linggo (Linggo hanggang Sabado), heto ang mga babasahing binili ko mula sa Booksale, Books for Less, at UP Shopping Center. Karamihan ay mura, may ilang may kamahalan, at may ilang libre (bahagi ng promo sa Books for Less).

CREATIVE NONFICTION
Kathleen Norris & Robert Atwan (eds.), The Best American Essays 2001, Php 198
Jamaica Kincaid & Robert Atwan (eds.), The Best American Essays 1995, Php 148

POETRY
Yevgeny Yevtushenko, Bratsk Station and Other New Poems, Php 125
Jonathan Galassi, North Street and Other Poems, Php 70
Willaim Goodreau, The Many Islands, Php 40
Karen Snow, Wonders, Php 40
A.R. Ammons & David Lehman (eds.), The Best American Poetry 1994, Php 110
Karol Wojtyla (trans. Peterkiewicz), Easter Vigil & Other Poems, Php 248
Norman Dubie, Groom Falconer, Php 98

ANTHOLOGY (SHORT FICTION)
Andrea Barrett (ed.), Ploughshares Fall 2007, Php 40

HISTORY
Ralph & Adelin Linton, Man’s Way from Cave to Skyscraper, Libre (Php 49)

SCIENCE FICTION & FANTASY
Eric Van Lustbader, Mistress of the Pearl, Php 65
Rebecca Ore, Being Alien, Libre (Php 20)
L. Neil Smith, Lando Calrissian and the Flamewind of Oseon, Libre (Php 49)

MISCELLANEOUS
Advanced Dungeons & Dragons Rulebook (Players Option: Combat & Tactics), Libre (Php 20)
David Messett, Seven Days in Sydney, Libre (Php 20)

MAGAZINES
Western Art Collector March 2008, Php 100
Sculpture January/February 2008, Php 90
Sculpture April 2008, Php 90
Popular Science October 2007, Php 100
Scientific American February 2008, Php 65
Raw Vision Spring 2008, Php 65

26thJul

Ortigas Foundation Library Atbp.

Unang beses ko kaninang mapadpad sa Ortigas Foundation Library. Doon kasi ginanap ang mga panayam nina ser Marne Kilates at ser Michael Coroza tungkol sa pagsasalin (translation), bilang bahagi ng LIRA Klinikang Pampanulaan 2008.

Ilang buwan ko na ring napupusuan ang pagsasalin ng mga tula (Ingles tungong Filipino at bise bersa), ngunit kakaunti pa lang ang mga naging produkto ko. Ang mga panayam sa pagsasalin ngayong taon ang ilan sa mga pinaka-inabangan kong panayam sa LIRA. (Noong nakaraan taon ay sa UST ginanap ang panayam sa pagsasalin.)

Maganda pala talaga ang aklatan. Dehado nga lang sa lamig ng aircon nito ang mga may trangkasong tulad ko. (E bakit kasi pumupunta nang may sakit! Hehe kinaya naman.)

Pagkatapos ng araw ay dumeretso kami ng mga kasama kong Dapitan-Diliman fellows (UST NWW Fellows na nakapag-LIRA) sa Robinsons Galleria para sa hapunan slash bonding. (Kasama rin si Carla, kaibigan ni Ynna sa MA sa Uste.) Maraming napag-usapan…outings, book projects, at kung ano pa.

Mukhang magiging busy kami nito sa mga susunod na buwan.

24thJul

“Sa Wakas, May Bumili”

Noong Martes, pumunta ako ng UP Diliman para magpa-print at magpa-xerox ako ng mga gagamiting dokumento ng mga fellows ng kauna-unahang The UP Parser Writing Workshop. (Sira kasi ang printer ko.)

Ginamit ko na rin ang pagkakataon upang dumalaw sa bilihan ng mga gamit na aklat sa Shopping Center. Kasama ng isang bagong UP sling bag at UP t-shirt (waw, loyal na loyal a, di bale ang napipintong 1-13 record sa UAAP Men’s Basketball), nakahanap ako ng isang hiyas ng panitikan.

Nabili ko ang Bratsk Station and Other New Poems ng Rusong makatang si Yevgeny Yevtushenko sa halagang Php 125. Hardbound, may mahigit 200 pahina, nasa magandang kondisyon, at lumabas noong 1967.

Sa madaling salita, sulit. (Para sa akin ha.)

Lalo pa akong “nasulitan” sa aking bagong libro nang naibulalas ng may-ari/tindero ng bookshop, “Sa wakas, may bumili na rin niyan!”

Dagdag pa ni Manong, “Ang ganda-ganda niyan e!” At saka siya nagkuwento kung gaano kamahal ang Bratsk Station nang una niya itong nabili (Php 600 daw), kung paano siya nagreklamo sa kanyang kasosyo (asawa? kamag-anak?) dahil ibinenta lang ito sa halagang Php 125, at kung paano sinagot ang kanyang protesta (”Wala na ngang bumibili niyan kaya dapat murahan!”).

Sa madaling salita: na kay Phillip Kimpo Jr. na ang aklat.

23rdJul

Panelista sa UP Parser Writing Workshop

Ang inyong di-lingkod ang magsisilbing head panelist sa gaganaping The UP Parser Writing Workshop mamayang hapon/gabi sa UP Diliman.

Aba, mukhang sa pagkakataong ito ay magiging ‘inyong lingkod’ ang ‘inyong di-lingkod’. Sana’y maging matagumpay.

Ang mga karagdagang detalye tungkol sa workshop ay nasa Multiply blag ko.

22ndJul

Pagbása ni Roberto T. Añonuevo sa Aking “Talà”

(Galing sa aking Multiply.)

Laking gulat ko kaninang tanghali nang nabasa ko ang pinakahuling sanaysay ni Ginoong Roberto Añonuevo sa kanyang blog. Sa Estetika at Pagtanaw hinggil sa Dalawang Lungsod, sinuri ni sir Bobby ang dalawang tula, at ang isa ay ang aking Talà, isinulat noong Marso 2007 at isinabak sa Palihan sa LIRA noong Agosto 2007.

Bago kay sir Bob ay wala pang nakapagsusulat ng pagsusuri sa aking mga akda, sa Ingles man o sa Filipino, kaya doble ang gulat at tuwa (gulatuwa?) kong naramdaman na ang unang beses ay mula sa isa sa mga pinakabatikan at tinitingalang manunulat sa Pilipinas.

Ilang sipi/excerpt mula sa nasabing sanaysay:

Maaaring tanawin ang lungsod sa iba’t ibang paraan, at isa sa rito ang pagtatanghal sa punto de bista ng isang tagalungsod na dumadama sa loob ng lungsod at tumatanaw papalabas ng sakop nito at tanging siya lamang makababatid. O kaya’y tingnan ang lungsod mula sa labas nito, nang sa gayon ay mabatid ang kabuuan ng lungsod na hindi mababatid ng tao na nasa loob nito at ang sipat ay limitado. Ang ganitong pagtanaw hinggil sa lungsod ang ipinamamalas ng mga tulang “Sa Unang Ulan ng Mayo” ni Charles Tuvilla at “Talà” ni Phillip Kimpo Jr.

…[W]alang sermon ang mahihiwatigan sa tulang ito. Matipid ang paglalarawan, na tinumbasan ng pambihirang salaysay hinggil sa karanasan ng bata.

…[S]inasampal tayo ng tula dahil nag-iiwan na tayo ng basurang materyal ay pinalalawak pa iyon sa pagdaragdag ng mga basurang may kaugnayan sa kaisipan, halagahan, at pagkamamamayan. Sa unang malas ay payak ang tulang “Talà” ngunit ang uuriin nang maigi’y hinahatak tayo nito na sipatin ang ating kalagayan nang higit sa nakagawian, at tumanaw sa malayo at abutin ang mga pinapangarap na bituin.

Bisitahin ang Alimbukad ni sir Bobby para sa buong sanaysay at mga tula namin ni Charles.

18thJul

Mga Bagong Libro (na Naman!)

Heto na naman ako sa pagiging bibliomaniac. Tatlong aklat nitong mga huling araw. Ang unang dalawa’y bili sa TriNoma:

FICTION
Milan Kundera, Slowness, Php 120

HISTORY
Donovan Webster, The Burma Road, Php 140

At ang isa pa’y bigay ni Ynna Abuan; pagka-pasada ko kasi, napagtanto kong kailangan kong mapag-aralan ang istilo ng pagsusulat na ‘to. Ika nga ni Ynna, mas madalas na ‘aggressive’ ang pagsusulat ko. Walang masama doon (at bagkus ay masarap nga raw basahin ang wordplay), ngunit gusto ko ring mahasa sa malumanay na pagsusulat sa genre na pinaka-gamay ko.

CREATIVE NONFICTION
David Mas Masumoto, Epitaph for a Peach, (Php 15)

17thJul

Bagong Simula

Nakakalimutan kong ikuwento sa blag na ‘to…naubos ko na ang mga pahina ng una kong moleskine notebook, si Karimlan. Mga isa’t kalahating taon din bago ko ‘yun matapos. Marami-rami rin ang binigay sa akin ni Karimlan: sangkatutak na tula, kuwento, at sanaysay (ang isa’y nalathala sa diyaryo), at siyempre ang mga tala ng kinuha ko noong LIRA Poetry Clinic 2007.

Dumating na rin pala ang kapalit na moleskine, si Katas. Basahin ang post ko sa Crimson Crux tungkol dito.

9thJul

Mga Bunga ng Bul-Ol Miting, Booksale Sale

(Na naman? Eto na ang ikaapat na sale na napuntahan ko sa loob ng dalawang buwan.)

Kaninang hapon ay nadagdagan ulit ang aking to-read pile. Kanina sa pulong ng mga editor at staffer ng Bulawan Online, binigyan ako ni sir Rio Alma ng libreng kopya ng kanyang bagong aklat (malaki, glossy, at kabilang sa UP Centennial Edition):

Francisco Balagtas (ed. Virgilio S. Almario, trans. Marne Kilates), Florante at Laura, cardboard cover

Presyo: di ko naitanong. Tantsa ko’y Php 500-1500.

At mula naman sa Booksale sa SM North EDSA:

CREATIVE NONFICTION
Ed. Kevin Smokler, Bookmark Now: Writing in Unreaderly Times, Php 70

SCIENCE
Richard Stone, Mammoth: The Resurrection of an Ice Age Giant, Php 70

REFERENCE
Janet Burroway, Writing Fiction: A Guide to Narrative Craft 3rd Ed., Php 70

ALTERNATE HISTORY
Harry Turtledove, The Great War: American Front, Php 70, proof copy

POETRY & LITERARY ANTHOLOGIES
Georgetown Review Spring 2007, Php 70
Ed. Michael Spring, A Collection of Prose and Poetry on the Theme of Values, Php 70

MAGAZINES
Bidoun (Arts and Culture from the Middle East) Winter 2008, Php 90
The Writer August 2007, Php 65
FineScale Modeler January 2007, Php 65
Great Scale Modeling 2008, Php 90
Airports of the World Jan/Feb 2008, Php 90

7thJul

Nadal is da Man

Kakatapos ko lang manood ng limang oras na Wimbledon Men’s championship. Tinalo ni Rafael Nadal ang 5-time champ na si Roger Federer.

Isa raw sa pinakadakilang laban ‘yon sa kasaysayan ng tennis.

Mali — ‘yon pala ang pinakadakilang laban sa kasaysayan ng laro.

6-4, 6-4, 6-7, 6-7, 9-7. Puro deuce at tiebreak.

Idolo ko na si Nadal.