Na-Interbyu Ako.
Friday, August 8th, 2008Mula sa Multiply ko:
* * * * *
Hindi, hindi kay Nancy Castiglione ulit. Napagtripan kasi ako ng aking kaibigan, kapwa manunulat, ka-batch sa LIRA 2007, at isang magaling na makata na si Rogerick Fernandez — iinterbyuhin daw niya ako para sa blog niya. Pinaunlakan ko naman kahit di ko alam kung tungkol saan ang pag-uusapan.
Lumalabas na ang panayam niya sa akin ang unang edisyon sa kanyang bagong “proyekto.” Takte, hindi ko alam na ‘yun pala ang magiging pamagat ng proyekto ni Rhodge (basahin na lang ang interbyu para malaman kung ano). Hehehe. Pero h’wag malinlang sa pamagat ng panayam — may lalim ang mga napag-usapan namin, kasama na siyempre ang literatura.
Heto ang ilang sipi mula sa interbyu.
Tungkol sa aking pseudonym/online handle:
Rhodge: Teka, pag sine-search kita sa Internet, synonymous sa name mo ang The Corsarius. Ano ba ung term na ito?
Phillip Kimpo Jr.: Ah. Mahabang kuwento iyan. Una, ang Corsarius ay Latin ng salitang “corsair”, o pirata.
Rhodge: OK. Captain Hook, ikaw ba yan? Hehe!
Phillip Kimpo Jr.: Nakahiligan ko itong salitang ito noong high school ako. Alam mo na, iyong punto ng buhay natin na naghahanap tayo ng maayos na online nickname para sa YM at ano pa.
Una kong nabasa ang salitang “Corsarius” sa isang nobelang sci-fi. Noong high school ako, wala pa masyadong kahalagahan ang nickname na iyon para sa akin. Wala lang, “cool” at unique lang. Pero habang tumatanda ako ay nabibigyan ko na siya ng mas malalim na kahalagahan at kahulugan. Para bang “retrofitted” ang meaning.
Mas malalaman ‘yon sa isang sanaysay ko sa tinatapos kong aklat ng mga kuwentong personal, ang Corsair of Cordillera Street.