Deprecated: Assigning the return value of new by reference is deprecated in /home/corsari/public_html/karimlan/wp-includes/cache.php on line 99

Deprecated: Assigning the return value of new by reference is deprecated in /home/corsari/public_html/karimlan/wp-includes/query.php on line 21

Deprecated: Assigning the return value of new by reference is deprecated in /home/corsari/public_html/karimlan/wp-includes/theme.php on line 576
Karimlan » Pagmumuni
 

Archive for the ‘Pagmumuni’ Category

Anibersaryo Bilang Kasapi ng LIRA

Monday, February 9th, 2009

Ngayong araw isang taon na ang nakakaraan, nanumpa ako bilang bagong Kasapi ng LIRA.

Nauna pa ang aking pagiging bagong Pangulo kesa sa 1st year anniversary bilang member. Di ko inakala.

Malupit talagang manggulat ang Maykapal.

Bagong Pangulo ng LIRA (At Isang Bagong Simula)

Saturday, February 7th, 2009

Noong nakaraang Linggo, inihalal ang bagong officers ng LIRA. Pagkatapos ng problemang kinaharap ng aming pamilya nitong Enero (pagkakadawit ng pangalan ni Daddy sa Alabang Boys case), pinadalhan ako ng Diyos ng isang napakagandang pagbabago sa buhay.

Isa lang ang masasabi ko, at sasabihin ko nang paulit-ulit: Nasa huli ang biyaya.

(Sa mga di-nakakaalam, ang LIRA ay isang samahan ng mga manunulat at makatang Filipino na itinatag ng National Artist for Literature Virgilio S. Almario a.k.a. Rio Alma nong 1985.)

Mga kaibigan, ang bagong Pamunuan ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo:

  • Pangulo (President) - Phillip Kimpo Jr.
  • Pangalawang Pangulo (Vice-President) - Francisco “Kiko” Monteseña
  • Kalihim (Secretary) - Vivian “Beng” Limpin
  • Ingat-Yaman (Treasurer) - Enrique “En” Villasis
  • Tagapag-ugnay (Public Relations Officer) - Mariane Amor Romina “Ynna” Abuan

[Para sa mga retrato namin, magtungo sa orihinal na blog post sa Multiply.]

(more…)

Babay, Marimar

Tuesday, December 23rd, 2008

Hindi si Marian Rivera.

Ang tinutukoy ko ay ang alaga naming pusa. Pumanaw habang nasa Zambales ako at nagpapakasaya.

Malambing pa naman ang pusang iyon. Hay. Fineature ko pa siya sa aking birthday post ngayong taon.

Sana okey ka na ngayon sa langit ng mga hayop, Marimar.

Isa na Namang Namaalam na Kapamilya

Monday, December 8th, 2008

Namatay nitong gabi ang isa sa mga alaga naming pusa. Si Sergio. Pinangalanan namin sa lalaking bida ng Marimar. (At oo, meron din kaming pusang may ngalang “Marimar.”)

Siya ang paboritong pusa ni Dad at isa sa pinakamatalinong pusa na nakasalamuha namin.

Wala pang dalawang araw ang tinagal ng kanyang sakit. Nagtae ng dugo, kaya mukhang tiyan ang nadale. Napeste siguro.

Naabutan ko pa siyang buhay pag-uwi ko bago ang alas siyete ng gabi. Hinawakan ko sa ulo. Mabagal niyang ipinihit ang kanyang ulo. Tumingin sa akin, tila nagpapaalam.

Pag-uwi ko mula sa Misa ng Immaculate Conception, wala na siya.

Paalam, Sergio.

Tinamaan ng Kulugo

Tuesday, November 25th, 2008

Ilang kulugo lang ang kailangan para magkaroon ng bagong pananaw sa buhay.

Peste.

Noong Sabado ay dumaan ang dalawa kong kamay sa electrocautery. Di ko inasahang malala ang magiging pinsala sa mga daliri ko.

Parang may pumutok na bulkan sa kapatagan, at nagkaroon ng malaking butas sa rabaw ng lupa.

Ang ibig sabihin lang ng kaekekang linya sa taas: binakbak ang kamay ko.

Hanggang ngayon ay halos di ko magalaw ang kanang kamay ko, at kaliwang kamay ang ginagamit pang-tayp.

Di rin tuloy ako makasulat.

Owel. Buti na lang at maraming magandang balita. Magaganda. Marami.

Saka na lang ang kumpletong kuwento kapag medyo gumaling na nang onti ang mga sugat ko.

Hinahanap ang Lalawigan

Friday, September 26th, 2008

Ang sakit ng ulo ko. Ang layo sa pakiramdam ko noong nasa Baguio at Pangasinan ako. Doon, kahit sobrang onti ang tulog, magaan ang ulo ko. Ngayon, balik sa dating-gawi kahit maayos ang pahinga.

Hay. Kailangan kong lumabas-labas pa. Di nakakabuti ang sedentary lifestyle at work-from-home sa akin, pati na rin ang hangin ng aircon.

Aklan, Pagkaraan ng Hagupit ni Frank

Monday, August 4th, 2008

Mula sa aking Multiply blag:

Ang “hagupit” ay isang understatement.

Lingid sa kaalaman ng nakararami, madugo at malupit ang sinapit ng Aklan noong nakaraang bagyong Frank. Ang Aklan ang tinubuang bayan ng aking pamilya, at kahit dito na ako pinanganak sa Lungsod ay purong dugong Akeanon ako.

Di masyadong nabigyang pansin ang sakuna sa media, lalo na sa Metro Manila. Mas nabigyan ng pansin ang nangyari sa Iloilo (na alam naman nating mas prominente keysa Aklan sa isla ng Panay).

Di rin nakatulong na sinabi ni DOT secretary Ace Durano na hindi kalakihan ang sinapit na pinsala ng Kalibo at Aklan. Kahit ako ay napamura noong nabasa ko ‘yon sa diyaryo.

Kaya — salamat sa Diyos — ay may maayos nang lumabas na salaysay tungkol sa mga totoong nangyari.

Basahin ang buong blag post dito.

Bagong Simula

Thursday, July 17th, 2008

Nakakalimutan kong ikuwento sa blag na ‘to…naubos ko na ang mga pahina ng una kong moleskine notebook, si Karimlan. Mga isa’t kalahating taon din bago ko ‘yun matapos. Marami-rami rin ang binigay sa akin ni Karimlan: sangkatutak na tula, kuwento, at sanaysay (ang isa’y nalathala sa diyaryo), at siyempre ang mga tala ng kinuha ko noong LIRA Poetry Clinic 2007.

Dumating na rin pala ang kapalit na moleskine, si Katas. Basahin ang post ko sa Crimson Crux tungkol dito.

Nadal is da Man

Monday, July 7th, 2008

Kakatapos ko lang manood ng limang oras na Wimbledon Men’s championship. Tinalo ni Rafael Nadal ang 5-time champ na si Roger Federer.

Isa raw sa pinakadakilang laban ‘yon sa kasaysayan ng tennis.

Mali — ‘yon pala ang pinakadakilang laban sa kasaysayan ng laro.

6-4, 6-4, 6-7, 6-7, 9-7. Puro deuce at tiebreak.

Idolo ko na si Nadal.

Celtics por da Win

Friday, June 20th, 2008

Maraming naging mali sa aking prediksyon para sa NBA Playoffs 2008….sa mga unang round. Pagkatapos ng kahaba-habang prusisyon, sumakto pa rin ang prediksyon ko para sa Finals:

NBA Finals

Boston 4 - LA Lakers 2 (da good ol’ days: The Big Three vs Showtime)

Yeeha.

Mga Produkto ng Mayo

Sunday, June 1st, 2008

Putsa ang dami ko palang nagawa nitong nakaraang buwan:

  • nakatapos ng 8 aklat: 4 tula sa Filipino, 1 antolohiya sa Filipino, 2 nobela sa Ingles, 1 historical nonfiction sa Ingles
  • nakasulat ng 9 na tula sa Filipino: 2 malayang taludturan/free verse, 1 prose poem, 6 tanaga (oo kaya dumami e dahil sa tanaga haha); ‘yung 3 free verse at prose poem, para sana sa aming cluster sa LIRA
  • nakasulat ng 2 flashfic/kuwentong dagli: 1 sa Ingles, 1 sa Filipino, at may 1 sariling salin mula rito
  • nakasulat ng 4 na sanaysay sa Ingles, para sa aking malapit nang matapos na…basta. Hehe. Isang salita: manuscript. Abangan. Tatlo pang salita: Corsair of Cordillera Street.

Lahat ng ito ay nagawa sa buwan kung kailan:

Galing ng buwang ‘to ah. Nabuwang ako.

10 Araw ng Sakit-Ulo

Sunday, May 18th, 2008

Di ako nakapagpa-check up kanina. Di tuloy ako nakadalo sa palihan kasama si ser Rio. Bukas na lang o sa makalawa.

* * * * *

Ako: “25 years old e patay na ako.”

Dad:” Ay, sige d’yan ka na lang sa Sanctuarium?”

Ako: “Oo, pa-cremate mo na lang ako.”

Dad: “Sige, pa-reserve ka na.”

Hahaha!

Paalam, Jackie

Sunday, May 11th, 2008

Ipinanganak: Marso 15, 2002 ng 8:00 ng gabi
Pumanaw: Mayo 10, 2008 ng 7:52 ng gabi

Kagabi, isang oras bago magsimula (teknikali) ang aking birthday ng 8:52 ng gabi ay pumanaw ang aso naming si Jackie. Ilang buwan din niyang nilabanan ang sakit sa atay.

Nabanggit ko rin ang pangyayaring ito sa aking birthday essay. Medyo nakadagdag pa nga sa ‘artistic moment’.

Kakaiba talaga ang mga pamamaraan ng Maykapal.

Takits na lang sa langit, Jackie.

(Kung mapupunta ako roon.)

Saan Ka Patungo, Chicago?

Saturday, April 19th, 2008

Naks ang drama haha. ‘Wag mag-alala. Tungkol lang ‘to sa isports.

Noong isang araw ay mga prediksyon sa NBA Playoffs ang isinulat ko. Ngayon naman ay magluluksa ako para sa sinapit ng aking paboritong koponan, ang Chicago Bulls.

Mula sa artikulo sa ESPN:

Something is wrong in Chicago.

The team that a lot of people picked to win the East this year has become one of the most bitter and miserable franchises in recent memory.

Akin ang emphasis.

Inaamin ko, naging Bulls fan ako nang kapanahunan ni His Airness. Boring choice, di ba? Pero noong natibag na ang pinagpalang koponan nina Jordan, Pippen, Rodman at naging Chicago Boldyaks na lang sila, naging masugid pa rin akong taga-tangkilik ng koponang ‘to. Through thick and thin, ika nga nila sa Ingles.

Kaya naman nang bumalik ang Bulls sa pagiging malakas sa Eastern Conference, laking tuwa ko. Sabi ko sa sarili ko, Eto na, babalik na ulit ang Chicago sa rurok ng NBA. The good ol’ days are baaack.

Tapos ay dumating ang kahihiyan na taong ito. Mula sa pagiging paborito ay lumagpak ang Bulls sa loterya ng NBA Draft.

Ang tanong: Hanggang dito na lang ba ang Chicago? Boldyaks na naman ba tayo?

Ang sagot: Kaya pa raw maglaro ni MJ. Nagawa niyang umiskor ng 40 points nang siya ay 40 taong gulang bilang isang Washington Wizard. Sa isang press release, sinabi ni “God disguised as a basketball player” na yakang-yaka niya umiskor ng 50 points bilang isang 50 taong gulang na Chicago Bull-Again.

Sayang at hindi totoo.

Gusto ko ang komentong iniwan ng isang ESPN reader:

We need some players w/some gonads.

Aprub.

Mga Prediksyon sa NBA Playoffs 2008

Thursday, April 17th, 2008

Aba, anong nakain ko at nagsulat ako tungkol sa palakasan! Dati akong manunulat sa tinatangkilik na Basketball Exchange Philippines, kaya nasa dugo ko na rin kahit papaano.

Heto ang aking maikling prediksyon sa kalalabasan ng NBA Playoffs ngayong taon:

Eastern Conference

Boston 4 - Atlanta 0 (masaker)

Detroit 4 - Philadelphia 1 (isa pang masaker)

Orlando 4 - Toronto 3 (Howard vs. Bosh!)

Washington 4 - Cleveland 3 (kung hindi sisirain ni Arenas ang chemistry ng Wiz, at kung hindi mag-amok si LeBron)

Western Conference

LA Lakers 4 - Denver 2 (ganda ng Kobe vs. AI match-up)

Dallas 4 - New Orleans 3 (pero gusto kong maipakita ni Chris Paul ang pagkakamali ko)

Phoenix 4 - San Antonio 3 (ang paghihiganti)

Houston 4 - Utah 3 (kaya ni T-Mac ‘to…sana)

Eastern Semis

Boston 4 - Washington 2 (kahit nahirapan ang Celtics sa Wiz sa regular season)

Detroit 4 - Orlando 2 (di pa ito ang oras para kay Superman)

Western Semis

LA Lakers 4 - Houston 2 (ang isang round ay sobra na para sa Yao-less Rockets)

Phoenix 4 - Dallas 3 (labanan ng mga mag-bespren)

Eastern Finals

Boston 4 - Detroit 3 (tang’nang match-up ‘to)

Western Finals

LA Lakers 4 - Phoenix 3 (sori Shaq, taon ‘to ni Kobe)

NBA Finals

Boston 4 - LA Lakers 2 (da good ol’ days: The Big Three vs Showtime)

Unang beses kong maglathala ng isang prediksyon sa pampublikong espasyo, hehe. Ilan kaya rito ang tatama?