Archive for the ‘Paglalakbay’ Category

Pupunta Ako sa UP National Writers Workshop…

Saturday, April 11th, 2009

…pero hindi bilang Fellow hehe.

Isa ako sa mga Staffer ng UPNWW 2009. Kasama ko sa Secretariat sina Butch Guerrero (head), Vic Nierva, at Eva Garcia-Cadiz. Si sir Rio Alma (Virgilio S. Almario) ang Workshop Director sa taong ito.

Heto ang opisyal naming press release (hindi updated ang unang lumabas sa Panitikan.com.ph):

Fellows of the 48th UP National Writers Workshop Announced

The University of the Philippines Institute of Creative Writing (UP ICW) announces the fellows to the 48th UP National Writers Workshop to be held from April 12 to 19 in Camp John Hay, Baguio City. The fellows and associates of the UP ICW selected twelve writers in mid-career to participate in the annual workshop. This year’s workshop director is National Artist for Literature Virgilio S. Almario.

This year’s fellows for English are Angelo Suarez and Carlomar Daoana for Poetry, Felisa H. Batacan and Francis Dean Alfar for fiction, and Criselda Yabes and Carljoe Javier for creative nonfiction.

Fellows for Filipino are Mikael Co and Ayer Arguelles for tula, Jing Panganiban and Vlad Gonzales for sanaysay, and Norman Wilwayco and Alvin Yapan for kuwento.

The workshop panelists are all advisers, fellows, and associates of the ICW. Aside from National Artist Almario, the panelists are National Artist for Literature Bienvenido Lumbera, ICW director Jose Dalisay, Jr., Gemino Abad, Cristina Pantoja Hidalgo, Neil Garcia, Charlson Ong, Conchitina Cruz, Jun Cruz Reyes, Victor Carmelo Nadera, Rolando Tolentino, Mario Miclat, and Romulo Baquiran, Jr.

Unlike most national writing workshops, the UP National Writers Workshop is only for advanced writers. The UP ICW is the only institution that holds a workshop of this kind in the country. The current workshop format was borne out of the need to address the dearth of venues for writers in mid-career to exchange ideas on their craft and their current literary projects.

Prior to the new format, the UP ICW has held the annual UP National Writers Workshop for the country’s most promising beginning writers since the 1960s. Through the years other writing centers of other universities have instituted their own workshops for beginning writers, thus freeing the UP ICW to address other concerns.

To qualify for the workshop, writers must satisfy the following requirements. (1) must be writers in English or Filipino; (2) must have attended at least one creative writing workshop (national/regional, including the UP National Writers’ Workshops), or earned a degree in Creative Writing/Malikhaing Pagsulat, or won at least one national/international literary award; (3) must have published at least three poems or two short stories or two pieces of creative nonfiction (e.g., essays, memoirs, profiles) in reputable collections or anthologies, journals, magazines (including campus publications), or refereed Internet web magazines, or have had a play staged.

The UP ICW is setting up a blog hub to keep the public abreast of the developments in the workshop. The hub will bring together blogs of the panelists, fellows, and staff. It will also contain more information on the workshop participants. The blog hub, which will soon be accessible, is accessible at http://upwritersworkshop09.tk.

Alas singko ng umaga bukas, Linggo, ang alis namin mula UP Diliman papuntang Baguio. Sa 19 ang uwi namin. Ikatlong balik ko ‘to sa City of Pines sa loob ng walong buwan.

Bantayan niyo lang ang official blog hub ng UPNWW ‘09 (na pinaghirapan namin ni ser Vic). May wi-fi sa Igorot Lodge kaya magiging daily ang updates sa blog. Sisikapin ko ring maglagay dito sa aking Multiply ng ilang pics at balita.

(Mula sa aking Multiply blag.)

Bagong Pangulo ng LIRA (At Isang Bagong Simula)

Saturday, February 7th, 2009

Noong nakaraang Linggo, inihalal ang bagong officers ng LIRA. Pagkatapos ng problemang kinaharap ng aming pamilya nitong Enero (pagkakadawit ng pangalan ni Daddy sa Alabang Boys case), pinadalhan ako ng Diyos ng isang napakagandang pagbabago sa buhay.

Isa lang ang masasabi ko, at sasabihin ko nang paulit-ulit: Nasa huli ang biyaya.

(Sa mga di-nakakaalam, ang LIRA ay isang samahan ng mga manunulat at makatang Filipino na itinatag ng National Artist for Literature Virgilio S. Almario a.k.a. Rio Alma nong 1985.)

Mga kaibigan, ang bagong Pamunuan ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo:

  • Pangulo (President) - Phillip Kimpo Jr.
  • Pangalawang Pangulo (Vice-President) - Francisco “Kiko” Monteseña
  • Kalihim (Secretary) - Vivian “Beng” Limpin
  • Ingat-Yaman (Treasurer) - Enrique “En” Villasis
  • Tagapag-ugnay (Public Relations Officer) - Mariane Amor Romina “Ynna” Abuan

[Para sa mga retrato namin, magtungo sa orihinal na blog post sa Multiply.]

(more…)

Papuntang Zambales

Saturday, December 20th, 2008

Maya-maya ay tatahak na kaming Sta. Cruz, Zambales para sa ikahuling edisyon ng Sining ng Tugma at Sukat (STS).

Bukas, Disyembre 21 ang STS, samantalang day-off kami sa 22. (Day-off: diving uli sa Subic Bay at pagliliwaliw.) Posible rin kaming mag-cave trekking sa 21.

Yeeha.

UP Writers Day 2008 Photo Recap

Sunday, December 14th, 2008

Nag-upload ako ng ilang retrato ng nakaraang UP Writers Day at Likhaan book/journal launch (kung saan tumanggap ako ng aking complimentary copy…wala pa ‘yung honorarium hehe.)

Bisitahin ang aking Multiply blag para sa mga piks.

Phil. Creative Industries Conference + “Atang” World Premiere + Jazz Concert + Naputukan ng Rebentador

Sunday, November 30th, 2008

Ang unang bahagi ng aking bagong Multiply blog post:

Nitong nakaraang dalawang araw ay nasa UP Diliman ako para sa Philippine Conference on Global Prospectus for the Arts (whew!), dalawang pagtatanghal, at ilang oras ng malalalim na kuwentuhan kasama ang ilang kaibigan ko sa sining.

Masaya rin akong nakapag-surbayb kahit invalido ang kanang kamay ko. (Mor on dat leyter.)

1,000 pesos dapat ang bayad para sa conference pero nakalibre ako dahil LIRA member. Hindi LIRA ang nag-organisa ng event; naghahanap lang sila ng pang-puno ng mga slots. (Salamat Rhoj!) At dahil si sir Rio Alma ang isa sa mga may pakana ng conference, isa ang LIRA sa mga nilapitan.

Libre rin ang pagkain (sponsored ng UP), kape, concert, at play sa dalawang araw ng conference. May bookfair din (wish ko lang na libre rin ang mga aklat). Sa madaling salita, hindi ako nagsising pumunta kahit tadtad ng band-aid ang mga kamay ko.

Okey naman ang mga speaker; may dalawang porendyer at marami kaming napulot na bagong kaalaman.

Sina Ynna Abuan, Nerisa del Carmen Guevara, Debbie Nieto, Romeo Peña, at Beverly Siy ang nakasama ko nang matagal sa Abelardo Hall, UP Theater, isawan sa Kalai, Area 2, at Palma Hall. Pinagsama-sama ko na ang mga pangalang ‘yan. Kaming tatlo lang nina Ynna at Debs ang kumpleto ang attendance — di na nakadalo si Rhom sa 2nd day, si miss Bebang sa parehong pagtatanghal, at si ma’am Ricci sa jazz concert. (Nakasama din namin sina En Villasis, Claire Madarang, si Rhodge Fernandez na stressed na stressed sa pagiging organizer, at da seniors op da lit world.)

Pagkatapos ng unang araw, nagkaroon ng pagtatanghal ang UP Jazz Orchestra. Unang beses kong makaranas ng live jazz performance. Asteeeg. Humingi pa ng ilang encore ang audience hehe.

Pagkatapos naman ng ikalawang araw, gala night ng dulang “Atang”, based on the life of National Artist Honorata de la Rama. Putris ang galing lang talaga. Sabi nga ni ma’am Ricci, matagal na mula nang lubos siyang maapektuhan ng isang dula. Di ko rin inasahang mapapaiyak ako ng “Atang.”

Basahin ang buong post dito.

Galing ng STS Subic!

Thursday, October 30th, 2008

Gáling at galíng!

Kinulang ako sa oras bago kami pumunta sa Subic noong Oktubre 24 (hapi bertdey, Ia!) kaya di na ako nakapag-blog. Sa madaling salita, matagumpay naming idinaos ang Sining ng Tugma at Sukat (STS) Subic.

Ako ulit ang nagsilbing Coordinator para sa ginanap na seminar-workshop ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at LIRA. Ang Subic Central School sa Subic, Zambales ang naging venue. Si sir Vim Nadera naman ang lecturer.

Iyon ang ikatlo at ikahuling beses kong humawak ng STS (pagkatapos ng STS Dagupan at STS Quezon).

Pero bago ang mismong STS, sumisid muna kami sa ibang karanasan. Literal na pagsisid, dahil nag-scuba diving kami. Makikita ang ilang sampol piks sa aking Multiply blog.

Mauban at Quezon, Hir ay Kam

Saturday, October 18th, 2008

Mula sa aking bagong Multiply post:

* * *

Round 2: Ako ang nagsisilbing Coordinator para sa gaganaping Sining ng Tugma at Sukat (STS) seminar-workshop ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at LIRA sa Lunes, Oktubre 19 sa Pambayang Kolehiyo ng Mauban, Mauban, Quezon. (I-klik lang ang image sa taas para sa full version ng programme.)

Ito ang ikalawang beses kong humawak ng STS; ang una ay noong nakaraang buwan sa Dagupan. Muli, si sir Michael Coroza ang magiging tagapanayam namin. Di tulad ng dati, hindi ko na kailangang magbigay ng Pambungad at Pangwakas na Salita sa STS Mauban pagkat kasama na namin si Bb. Bebang Siy, ang pangulo ng LIRA.

Mula sa LIRAonline.org:

Inihahandog ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), Linangan ng Imahen, Retorika at Anyo (LIRA), at Pambayang Kolehiyo ng Mauban (PKM) ang ikaapat na programa ng Sining ng Tugma at Sukat sa Oktubre 19, 2008 sa Mauban, Quezon.

Ang Sining ng Tugma at Sukat (STS) ay isang proyekto ng NCCA at LIRA para sa mga guro ng Filipino sa mga matataas na paaralan sa Kalakhang Maynila at mga karatig na lalawigan.

Ang daloy ng programa:

8:00 – 9:00
Pagpapatala

9:00 – 9:30
Panalangin
Piling Mag-aaral ng IIC, PKM

Pambansang Awit
Piling Mag-aaral ng IIIC, PKM

Pambungad na Salita at Introduksiyon
Prop. Fe D. Nava, PKM
Beverly Siy, Pangulo ng LIRA

9:30 – 12:00
Panayam: Sining ng Tugma at Sukat
Assoc. Prof. Michael M. Coroza, LIRA

12:00 – 01:00
Tanghalian

01:00 – 02:30
Panayam: Sining ng Tugma at Sukat (pagpapatuloy)
Assoc. Prof. Michael M. Coroza, LIRA

02:30 – 04:15
Pagsasanay sa pagsulat ng tulang may tugma at sukat;
Palihan ng mga tula
Mga Delegado at kasapi ng LIRA

04:15 – 04:30
Paggawad ng mga Sertipiko
Prop. Nelson Nava Pl. Turgo, Prop. Fe D. Nava, Bb. Melody G. Agudilla, at Beverly Siy

Pangwakas na Pagbati
Beverly Siy, LIRA

Sina Phillip Kimpo Jr. at Romeo Peña ang mga tagapag-ugnay ng programa.

Mamayang gabi o hatinggabi ang alis namin patungong Quezon (Lucena muna tapos Mauban). Balikan lang siguro kami — pagkatapos ng STS ay uuwi rin kaagad. Walang excursion sa Baguio, Manaoag, o night beach swimming tulad noong huling STS hehe. Baka nasa Maynila na kami bago dumating ang Lunes.

Mga Retrato ng Parangal kay Rio Alma sa Bulacan

Thursday, September 25th, 2008

Noong Set. 8, 2008 sa Malolos, Bulacan, pinarangalan ng pamahalaan ng Bulacan ang National Artist for Literature Virgilio S. Almario (Rio Alma) bilang Dakilang Bulakenyo.

Naroon ako sa paanyaya ni ser Rio. Para sa mga pics ng event, puntahan ang mga album sa aking Multiply:

  • Part 1 — motorcade, hero’s welcome, theater performance
  • Part 2 — photo ops, inuman kinagabihan

Kakauwi Mula Norte: Baguio at Pangasinan

Wednesday, September 24th, 2008

Kakagaling ko lang mula Pangasinan at Baguio City para sa 1) Sining ng Tugma at Sukat event ng NCCA at LIRA (basahin ang nauna kong blog post) at 2) excursion ng aming munting Dapitdilim Fellowship of Writers.

Para sa pitong sampol piks (pinili mula sa daang-daang retrato na saka ko na maa-upload), puntahan ang aking pinakabagong Multiply blag post.

Baguio at Dagupan, Hir Ay Kam

Friday, September 19th, 2008

Mula sa aking bagong Multiply post:

* * *

Ako ang nagsisilbing Coordinator sa gaganaping Sining ng Tugma at Sukat (STS) event ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at LIRA sa Lunes, Setyembre 22 sa Dagupan City National High School. (I-klik lang ang image sa taas para sa full version ng programme.)

Si sir Michael Coroza ang magiging tagapanayam sa umaga; sasamahan ko siya bilang workshop panelist sa hapon. Dahil mag-isa akong LIRA member sa event, kailangan ko ring magbigay ng Pambungad at Pangwakas na Salita. Hay.

Mula sa LIRAonline.org:

Inihahandog ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), Linangan ng Imahen, Retorika at Anyo (LIRA), at Dagupan City National High School (DCNHS) ang ikalawang programa ng Sining ng Tugma at Sukat sa Setyembre 22, 2008 sa Dagupan, Pangasinan.

Ang Sining ng Tugma at Sukat (STS) ay isang proyekto ng NCCA at LIRA para sa mga guro ng Filipino sa mga matataas na paaralan sa Kalakhang Maynila at mga karatig na lalawigan.

Ang daloy ng programa:

8:00 – 8:30
Pagpapatala

8:30 – 9:00
Panalangin
Gng. Hazel Z. Dolor, Guro sa Filipino, DCNHS

Pambansang Awit
Gng. Gemma M. Erfelo MT II sa Filipino, DCNHS

Pambungad na Salita at Introduksiyon
Bb. Lorna T. Caguioa, HT VI, Filipino, DCNHS
Dr. Teodora V. Nabor, Punong-Guro IV, DCNHS
Dr. William E. Macob, Tagamasid Pansangay I
Phillip Kimpo Jr., LIRA

9:00 – 9:30
Minindal

9:30 – 11:30
Panayam: Sining ng Tugma at Sukat
Assoc. Prof. Michael M. Coroza, LIRA

11:30 – 12:00
Malayang Talakayan

12:00 – 01:00
Tanghalian

01:00 – 02:00
Pagsasanay sa pagsulat ng tulang may tugma at sukat
Mga Delegado at kasapi ng LIRA

02:00 – 04:00
Palihan
Mga Delegado at kasapi ng LIRA

04:00 – 04:30
Bigkasan

04:30 – 05:00
Paggawad ng mga Sertipiko
Bb. Lorna T. Caguioa at Phillip Kimpo Jr.

Pangwakas na Pagbati
Phillip Kimpo Jr., LIRA

Sina Renato R. Santillan at Phillip Kimpo Jr. ang mga tagapag-ugnay ng programa.

Paalis na ako ngayon papuntang bus station, hehe. Bakit maaga? Magkakaroon din kasi kami ng munting excursion ng mga kasama kong manunulat sa Dapitdilim (hint: “Dapitan + Diliman”) sa Baguio, Manaoag, at isang beach.

Sa Martes pa ang balik ko. Kita-kits.

Mula St. Luke’s, Mula Malolos

Tuesday, September 9th, 2008

Naging matagumpay ang minor operation sa aking ama nitong Sabado sa St. Luke’s. Maraming, maraming salamat sa mga bumisita at nangamusta, kamag-anak at kaibigan (special mention sa mga ka-Uste Fellows ko).

Grabe rin ang tatlo’t mahigit na araw namin sa ospital. Nakakapagod. Kaunti lang ang naging tulog ko mula Biyernes hanggang Lunes. Pagkadischarge pa ni Dad mula St. Luke’s, kumaripas ako tungong UP Diliman para sumabay sa motorcade ng National Artist for Literature Virgilio S. Almario (Rio Alma). Pinarangalan si ser Rio sa Malolos, Bulacan. Magtatakipsilim na nang umuwi kami, at inabutan kami ng bagyo. Sa Sarah’s Beer Garden sa Diliman na namin pinatila ang ulan (na di naman tumila).

Saka na lang muna ang mga retrato. Pahinga ang kailangan ko ngayon.

Linggo ng Ospital

Friday, September 5th, 2008

Noong makalawa ay bumisita kami ng ilang LIRA members at fellows sa PGH. Doon kasi naka-confine si ser Joey Baquiran. Naaksidente ang paa niya, at sa kabutihang palad ay ‘yun lang. Pagkaraan ng operasyon ay magiging oks na ulit si ser. Pagaling kayo ser Joey!

Mamayang hapon, ako naman ang “titira” sa ospital. Icoconfine kasi si Dad sa St. Luke’s para sa isang minor operation. Hanggang Linggo o Lunes kami naroon. Dahil wala akong kapatid o ina, ako lang ang magbabantay kay Dad.

Wis mi lak.

Mga Retrato: Tulawikaan

Monday, September 1st, 2008

Noong nakaraang Miyerkules ay ginanap sa UST-TARC ang Tulawikaan, isang seminar tungkol sa panulaan at wikang Filipino. LIRA ang nag-organize ng event, at naroon ako upang tumulong.

Dahil onti lang kaming mga LIRA members na naroon, haggard kaming lumabas ng Uste. Inuman na lang sa Tapsi ang naging lunas sa pagod.

Ang mga naging speakers sa Tulawikaan: Vim Nadera, Lilia Antonio, Mike Coroza, at Joey Baquiran.

Lagpas 70 katao mula sa samu’t saring paaralan at institusyon ang dumalo; 39 yata rito ay paying guests. ‘Yung iba kasi libre dahil taga-Uste, o kaya’y may mga na-refer na kaibigan.

Puntahan ang aking Multiply album para sa lagpas 150 na retrato ng araw na ‘yon.

Mga Retrato: Tulaan sa Tren

Thursday, August 14th, 2008

Nailagay ko na sa Multiply ko ang sangkatutak na pics ng Tulaan sa Tren, “isang proyekto kung saan maririnig sa PA system ng mga tren ng LRT-2 (’yung mas bagong linya) ang mga tula ng ilan sa pinakamagagaling na makata ng Pilipinas. Ilang mga artista at TV personality ang bumigkas sa mga tula.”

Dumalo sa launching ng Tulaan sa Tren at bagong libro ni Rio Alma ang ilang mga sikat na personalidad (Chinchin Gutierrez, Christine Bersola, Julius Babao, Rhea Santos, Lyn Ching) at mga hebigats na manunulat at makata (Gemino Abad, Pete Lacaba, Teo Antonio, Ligaya Tiamson-Rubin, Vim Nadera, Danton Remoto, Paolo Manalo, Nerisa del Carmen Guevara, Raul Funilas, atbp).

Naroon kaming ilang LIRA members at mga bagong Fellows para sa taong ito.

Ang pics at daloy ng mga pangyayari noong Agosto 9, 2008:

  • Part 1 — LIRA workshop sa umaga; pagpunta sa LRT; programme sa LRT-2 main office
  • Part 2 — Inaugural train ride sa LRT-2 (Santolan-Recto, Recto-Santolan) kung saan sinolo ng mga dumalo ang ilang train coaches
  • Part 3 — Launching ng bagong libro ni ser Rio; performance nina ser Vim at Tata; pagbasa ng mga tula nina ser Teo at Danton; kainan; pag-uwi ng mga taga-LIRA

Mga Retrato: LIRA sa Museo Pambata

Wednesday, August 6th, 2008

Noong nakaraang Sabado ay ginanap sa Museo Pambata ang mga LIRA lecture para sa epigraph (Fidel Rillo) at ekphrasis (Marne Kilates).

Isa lang ang masasabi ko: Literatura + Pagiging Bata Muli = Kasiyahan.

Unang beses ko palang makapunta ng Museo Pambata. Kanyubilibit?

Mahalagang aral: ‘wag magdadala ng mga deprived na yuppie/young artists sa lugar na pambata. Ang kabastusan at pagmumura mula sa mga bibig nila ay nakalalason sa utak ng mga musmos. Hehe.

Puntahan ang aking Multiply album para sa lagpas 150 na retrato ng araw na ‘yon.