Mga Bagong Libro (na Naman!)
Friday, July 18th, 2008Heto na naman ako sa pagiging bibliomaniac. Tatlong aklat nitong mga huling araw. Ang unang dalawa’y bili sa TriNoma:
FICTION
Milan Kundera, Slowness, Php 120HISTORY
Donovan Webster, The Burma Road, Php 140
At ang isa pa’y bigay ni Ynna Abuan; pagka-pasada ko kasi, napagtanto kong kailangan kong mapag-aralan ang istilo ng pagsusulat na ‘to. Ika nga ni Ynna, mas madalas na ‘aggressive’ ang pagsusulat ko. Walang masama doon (at bagkus ay masarap nga raw basahin ang wordplay), ngunit gusto ko ring mahasa sa malumanay na pagsusulat sa genre na pinaka-gamay ko.
CREATIVE NONFICTION
David Mas Masumoto, Epitaph for a Peach, (Php 15)