Archive for December, 2008

Babay, Marimar

Tuesday, December 23rd, 2008

Hindi si Marian Rivera.

Ang tinutukoy ko ay ang alaga naming pusa. Pumanaw habang nasa Zambales ako at nagpapakasaya.

Malambing pa naman ang pusang iyon. Hay. Fineature ko pa siya sa aking birthday post ngayong taon.

Sana okey ka na ngayon sa langit ng mga hayop, Marimar.

Papuntang Zambales

Saturday, December 20th, 2008

Maya-maya ay tatahak na kaming Sta. Cruz, Zambales para sa ikahuling edisyon ng Sining ng Tugma at Sukat (STS).

Bukas, Disyembre 21 ang STS, samantalang day-off kami sa 22. (Day-off: diving uli sa Subic Bay at pagliliwaliw.) Posible rin kaming mag-cave trekking sa 21.

Yeeha.

UP Writers Day 2008 Photo Recap

Sunday, December 14th, 2008

Nag-upload ako ng ilang retrato ng nakaraang UP Writers Day at Likhaan book/journal launch (kung saan tumanggap ako ng aking complimentary copy…wala pa ‘yung honorarium hehe.)

Bisitahin ang aking Multiply blag para sa mga piks.

Iba Pang Bagong Aklat

Friday, December 12th, 2008

Maliban sa mga librong nabili ko noong UP Press Xmas sale, may ilan pa akong mga bagong ‘acquisition’ nitong mga huling linggo.

Mula sa Fully Booked sa Gateway:

HISTORICAL NON-FICTION
Amy Chua, Day of Empire, Php 1174

MAGAZINE
Story Philippines, Php 50

Mula sa LIRA Fellows Night sa Conspi:

FOLIO
Aranya (LIRA Fellows 2008), libre
Malate (La Salle), libre (bigay ni Xta)

CRITICISM
Harold Bloom, The Art of Reading Poetry, exchange gift ni miss Tina

Mula sa book launch ng Likhaan 2008 (kung saan napabilang ako) noong UP Writers Day:

ANTHOLOGY
Ed. Virgilio S. Almario, Likhaan 2008: The Journal of Philippine Contemporary Literature (UP Centennial Edition), Php 250 (at isang complimentary copy)

Mga Bunga ng UP Press Xmas Sale

Thursday, December 11th, 2008

Bago ako pumunta sa LIRA Fellows Night at 23rd anniversary noong Disyembre 9, dumaan ako sa UP Press para mamakyaw ng mga murang aklat. Ang aking nabitag:

ANTHOLOGY
Eds. Fidel Rillo & Roland B. Tolentino, Ang Aklat Likhaan ng Tula at Maikling Kuwento 1997, Php 100
Eds. Gemino H. Abad & Cristina Pantoja Hidalgo, The Likhaan Book of Poetry and Fiction 1997, Php 100

POETRY
Mike L. Bigornia, Salida, Php 50
Teo T. Antonio, Pira-Pirasong Bituin, Php 100
Jose F. Lacaba, Kung Baga sa Bigas: Mga Piling Tula, Php 50
J. Neil Garcia, The Sorrows of Water, Php 50
Isabelita Orlina Reyes, Stories from the City, Php 50
Merlie M. Alunan, Amina Among the Angels, Php 50

ESSAY
Cristina Pantoja Hidalgo, Skyscrapers, Celadon, and Kimchi: A Korean Notebook, Php 50
Maybe: Incidentally: The Satire of Federico Mangahas, Php 100

FICTION
Jose Y. Dalisay Jr., Sarcophagus and Other Stories, Php 50

POETRY/ESSAY
2 (Tula: Manuel Principe Bautista, Sanaysay: Liwayway A. Arceo), Php 100

Isa na Namang Namaalam na Kapamilya

Monday, December 8th, 2008

Namatay nitong gabi ang isa sa mga alaga naming pusa. Si Sergio. Pinangalanan namin sa lalaking bida ng Marimar. (At oo, meron din kaming pusang may ngalang “Marimar.”)

Siya ang paboritong pusa ni Dad at isa sa pinakamatalinong pusa na nakasalamuha namin.

Wala pang dalawang araw ang tinagal ng kanyang sakit. Nagtae ng dugo, kaya mukhang tiyan ang nadale. Napeste siguro.

Naabutan ko pa siyang buhay pag-uwi ko bago ang alas siyete ng gabi. Hinawakan ko sa ulo. Mabagal niyang ipinihit ang kanyang ulo. Tumingin sa akin, tila nagpapaalam.

Pag-uwi ko mula sa Misa ng Immaculate Conception, wala na siya.

Paalam, Sergio.

Pasok sa LIKHAAN Journal of Contemporary Philippine Literature

Wednesday, December 3rd, 2008

Yey. Maraming salamat sa UP Institute of Creative Writing para sa pagtanggap ng mga akda ko.

Dalawa ang pinasa ko noong Mayo — isang koleksiyon ng mga tula sa Filipino at isang sanaysay sa Ingles. ‘Yung mga tula ang nakapasok.

Siyempre, masaya ako noong nalaman ko. May honorarium pa man din hehe. Okey lang kahit gaano kalaki, basta meron. Natapos na kasi ang isa sa apat kong trabaho, at kasamang natigok ang 2/3 ng sahod ko buwan-buwan.

Pero noong ipinakita sa akin ni sir Vim Nadera ang mock copy ng Likhaan, putris bigla akong nahiya. Naligaw lang yata ang pangalan ko. Puro premyado at beterano kasi ang mga pangalang nakita ko. Ewan nga kung ako ba ang pinakabata doon.

Takte nakakakaba sa launching ng libro. Dahil may bitbit akong matinong camera, aakalain lang nila akong photographer. Wahaha.

Noong Lunes ko lang nalaman kung sino-sino ang makakasama eekstrahan ko sa Likhaan. Inilista kasi ni ser Vim sa kanyang column sa Manila Bulletin:

Para sa scan ng diyaryo at lineup ng Likhaan 2008, puntahan ang aking Multiply blag.