Archive for November, 2008

Phil. Creative Industries Conference + “Atang” World Premiere + Jazz Concert + Naputukan ng Rebentador

Sunday, November 30th, 2008

Ang unang bahagi ng aking bagong Multiply blog post:

Nitong nakaraang dalawang araw ay nasa UP Diliman ako para sa Philippine Conference on Global Prospectus for the Arts (whew!), dalawang pagtatanghal, at ilang oras ng malalalim na kuwentuhan kasama ang ilang kaibigan ko sa sining.

Masaya rin akong nakapag-surbayb kahit invalido ang kanang kamay ko. (Mor on dat leyter.)

1,000 pesos dapat ang bayad para sa conference pero nakalibre ako dahil LIRA member. Hindi LIRA ang nag-organisa ng event; naghahanap lang sila ng pang-puno ng mga slots. (Salamat Rhoj!) At dahil si sir Rio Alma ang isa sa mga may pakana ng conference, isa ang LIRA sa mga nilapitan.

Libre rin ang pagkain (sponsored ng UP), kape, concert, at play sa dalawang araw ng conference. May bookfair din (wish ko lang na libre rin ang mga aklat). Sa madaling salita, hindi ako nagsising pumunta kahit tadtad ng band-aid ang mga kamay ko.

Okey naman ang mga speaker; may dalawang porendyer at marami kaming napulot na bagong kaalaman.

Sina Ynna Abuan, Nerisa del Carmen Guevara, Debbie Nieto, Romeo Peña, at Beverly Siy ang nakasama ko nang matagal sa Abelardo Hall, UP Theater, isawan sa Kalai, Area 2, at Palma Hall. Pinagsama-sama ko na ang mga pangalang ‘yan. Kaming tatlo lang nina Ynna at Debs ang kumpleto ang attendance — di na nakadalo si Rhom sa 2nd day, si miss Bebang sa parehong pagtatanghal, at si ma’am Ricci sa jazz concert. (Nakasama din namin sina En Villasis, Claire Madarang, si Rhodge Fernandez na stressed na stressed sa pagiging organizer, at da seniors op da lit world.)

Pagkatapos ng unang araw, nagkaroon ng pagtatanghal ang UP Jazz Orchestra. Unang beses kong makaranas ng live jazz performance. Asteeeg. Humingi pa ng ilang encore ang audience hehe.

Pagkatapos naman ng ikalawang araw, gala night ng dulang “Atang”, based on the life of National Artist Honorata de la Rama. Putris ang galing lang talaga. Sabi nga ni ma’am Ricci, matagal na mula nang lubos siyang maapektuhan ng isang dula. Di ko rin inasahang mapapaiyak ako ng “Atang.”

Basahin ang buong post dito.

Tinamaan ng Kulugo

Tuesday, November 25th, 2008

Ilang kulugo lang ang kailangan para magkaroon ng bagong pananaw sa buhay.

Peste.

Noong Sabado ay dumaan ang dalawa kong kamay sa electrocautery. Di ko inasahang malala ang magiging pinsala sa mga daliri ko.

Parang may pumutok na bulkan sa kapatagan, at nagkaroon ng malaking butas sa rabaw ng lupa.

Ang ibig sabihin lang ng kaekekang linya sa taas: binakbak ang kamay ko.

Hanggang ngayon ay halos di ko magalaw ang kanang kamay ko, at kaliwang kamay ang ginagamit pang-tayp.

Di rin tuloy ako makasulat.

Owel. Buti na lang at maraming magandang balita. Magaganda. Marami.

Saka na lang ang kumpletong kuwento kapag medyo gumaling na nang onti ang mga sugat ko.

May Natuwa Pala sa Aking Makisig Channel Interbyu

Saturday, November 22nd, 2008

Mula sa webpage na ‘to:

Dear Sir/Madam,

Good day! I am from Cebu City. I really enjoyed the program “At yours truly, Nancy” especially the episode of Phillip Kimpo Jr regarding in collecting diecast aircraft. I too collect diecast aircraft. Recently, I have 15 diecast aircraft. I also collect Zoids (38 at present), Transformers (3 at present) machine Robo Rescue (4 at present) Academy model kits (titanic, aircraft carrier, abraham tank, fighter plane), and Power Rangers Megazords (35 at Present). The show was great! keep it up and God bless!

simplechoy21

Waw!

Nakausap ko na sa email si simplechoy21 (Ronnel Barrera), pero ngayon ko lang nalaman ang mensahe niya para sa Makisig Channel. Nakita ko lang sa aking paghahalungkat ng mga websayt sa Gugul.

Salamat kapatid.

Heto ang tinutukoy kong interbyu: TV Guesting w/ Nancy Castiglione.

Bagong DSLR Camera: Nikon D80

Friday, November 21st, 2008

May bagong laruan na ako.

Para sa kuwento at ilang sampol piks, puntahan ang:

Mga Bunga ng Booksale, NBS

Wednesday, November 12th, 2008

Heto ang mga bagong bili/bigay na aklat nitong mga huling araw at tatlong magkakaibang event.

Mula sa Booksale SM Sta. Mesa:

SCIENCE FICTION
Isaac Asimov et al., Science Fiction: Classic Stories from the Golden Age of Science Fiction, Php 120
Isaac Asimov, Foundation’s Edge, Php 30
David Weber et al., The Warmasters, Php 65

MAGAZINE
O Gauge Railroading December 2007, Php 65

Mula sa National Bookstore Katipunan:

FILIPINIANA
Jose Rizal (trans. Virgilio S. Almario), Noli me Tangere, Php 235
Jose Rizal (trans. Virgilio S. Almario), El Filibusterismo: An Epic, Php 235

Napabili ako ng dalawang salin ni ser Rio dahil na rin sa aming paglahok sa Marathon Reading ng Noli. Sinabay ko na rin ang Fili; hindi kumpleto ang saya ‘pag may kulang sa pantastik pares na ‘yan.

Magbabasa Kami sa Marathon Reading ng “Noli me Tangere”

Saturday, November 8th, 2008

Mula sa aking Multiply blag:

* * * * *

Kasama po ang aming samahan, ang Dapitdilim Fellowship of Writers sa mga magbabasa sa marathon overnight reading ng Noli me Tangere sa Filipinas Heritage Library mamayang madaling araw.

5 AM ang slot namin (6 AM naman ang mga LIRA Fellows ‘08). Ang mga naka-assign na kabanata sa amin: Kabanata 44 (Mga Balak) at 45 (Pagsusuri ng Budhi).

Kaninang 1 PM pa nagsimula ang pagbabasa, pero mamaya pa ako pupunta sa FHL (sa Ayala Triangle ng Makati City). Hanggang 9 AM bukas ang event, at kasunod noon ang LIRA lecture ni sir Jun Balde (parehong venue).

Ang reading ay isang proyekto ng National Book Development Board of the Philippines.

Mula sa Panitikan.com.ph:

Join us in an evening of literature, fun, and good food while we do a marathon reading of the Noli Me Tangere (translated by National Artist for Literature, Virgilio S. Almario) on November 8 to 9, 2008 at the Filipinas Heritage Library. Celebrities, well-known artists, authors, students, and other lovers of Filipino literature will be coming to read (and perform) portions of this influential literary piece.

This event is part of the month-long festivities of the 12 th Philippine Book Development Month, which is celebrated every November.

* * * * *

Tingnan ang imahen ng PR ng marathon reading.

Nasa Diyaryo Ako

Wednesday, November 5th, 2008

Mula sa aking Multiply blag:

* * * * *

At may kasama pang picture — kaso dapat yata akong mahiya! Hehehe.

Binanggit ni ser Vim Nadera sa kanyang column kahapon sa Manila Bulletin ang event naming Sining ng Tugma at Sukat (STS) Subic, pati na rin ang ginawa naming scuba diving.

Okey na sana na pangalan lang, kaso dinagdagan pa ni ser Vim ng retrato naming apat na mala-Beatles ang pagtawid sa kalye…at naka-diving suits pa!

Sabi nga ni Ergoe sa YahooGroup ng mga LIRA Fellows ‘08, nagkalat daw kami ng lagim. Wahaha.

Buti na lang at wrong spelling ang pangalan ko — kulang ng Jr. at isang L. Hindi ako ‘yun!

Eto ang excerpt mula sa STS portion ng article (marami pa kasing ibang laman ang column ni ser Vim):

LIRA, by the way, had been on a campus tour with its National Commission for Culture and the Arts-funded Sining ng Tugma at Sukat since its launch last September 14 at the Parish Hall of Saint Francis de Malabon in General Trias, Cavite.

For its fourth leg, we were assigned to conduct such workshop for teachers last October 25 but we took a sidetrip with president Beverly Siy and her diving partner George Ang Dy Pay, who owns and operates the Boardwalk Dive Center at the Subic Bay Freeport Zone in USS Essex-crazy Olongapo.

The STS Team of Ynna Abuan, Philip Kimpo, and Deborah Nieto got there the day before for our D-Day in Coral Garden with Dante Lagac and our savior Jason Obien who gave us our second life!

At the Subic Central School, we were treated like Born Agains by its superintendent Amelia Hebron Mojica and principal Lilia Rosete and their court: Bienvenido Apdal, Christopher Angeles, Mary Anne Angeles, Artemio Aquino, Ester Ching, Jacqueline Concepcion, Venus Fabeliña, Laureto Jimenez, and consultant Clarita A. Lagrama who is proposing a region-wide version.

Emphasis mine. Para sa kumpletong sanaysay, basahin ang online version.

(Pasensya na pala’t putol ang scan sa taas, di tuloy kita ang pangalan ni Ynna. Di kasi kasya sa scanner ko ang buong column.)

* * * * *

Ayun. Para sa scan ng diyaryo, klik dis.