Archive for October, 2008

Galing ng STS Subic!

Thursday, October 30th, 2008

Gáling at galíng!

Kinulang ako sa oras bago kami pumunta sa Subic noong Oktubre 24 (hapi bertdey, Ia!) kaya di na ako nakapag-blog. Sa madaling salita, matagumpay naming idinaos ang Sining ng Tugma at Sukat (STS) Subic.

Ako ulit ang nagsilbing Coordinator para sa ginanap na seminar-workshop ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at LIRA. Ang Subic Central School sa Subic, Zambales ang naging venue. Si sir Vim Nadera naman ang lecturer.

Iyon ang ikatlo at ikahuling beses kong humawak ng STS (pagkatapos ng STS Dagupan at STS Quezon).

Pero bago ang mismong STS, sumisid muna kami sa ibang karanasan. Literal na pagsisid, dahil nag-scuba diving kami. Makikita ang ilang sampol piks sa aking Multiply blog.

Mauban at Quezon, Hir ay Kam

Saturday, October 18th, 2008

Mula sa aking bagong Multiply post:

* * *

Round 2: Ako ang nagsisilbing Coordinator para sa gaganaping Sining ng Tugma at Sukat (STS) seminar-workshop ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at LIRA sa Lunes, Oktubre 19 sa Pambayang Kolehiyo ng Mauban, Mauban, Quezon. (I-klik lang ang image sa taas para sa full version ng programme.)

Ito ang ikalawang beses kong humawak ng STS; ang una ay noong nakaraang buwan sa Dagupan. Muli, si sir Michael Coroza ang magiging tagapanayam namin. Di tulad ng dati, hindi ko na kailangang magbigay ng Pambungad at Pangwakas na Salita sa STS Mauban pagkat kasama na namin si Bb. Bebang Siy, ang pangulo ng LIRA.

Mula sa LIRAonline.org:

Inihahandog ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), Linangan ng Imahen, Retorika at Anyo (LIRA), at Pambayang Kolehiyo ng Mauban (PKM) ang ikaapat na programa ng Sining ng Tugma at Sukat sa Oktubre 19, 2008 sa Mauban, Quezon.

Ang Sining ng Tugma at Sukat (STS) ay isang proyekto ng NCCA at LIRA para sa mga guro ng Filipino sa mga matataas na paaralan sa Kalakhang Maynila at mga karatig na lalawigan.

Ang daloy ng programa:

8:00 – 9:00
Pagpapatala

9:00 – 9:30
Panalangin
Piling Mag-aaral ng IIC, PKM

Pambansang Awit
Piling Mag-aaral ng IIIC, PKM

Pambungad na Salita at Introduksiyon
Prop. Fe D. Nava, PKM
Beverly Siy, Pangulo ng LIRA

9:30 – 12:00
Panayam: Sining ng Tugma at Sukat
Assoc. Prof. Michael M. Coroza, LIRA

12:00 – 01:00
Tanghalian

01:00 – 02:30
Panayam: Sining ng Tugma at Sukat (pagpapatuloy)
Assoc. Prof. Michael M. Coroza, LIRA

02:30 – 04:15
Pagsasanay sa pagsulat ng tulang may tugma at sukat;
Palihan ng mga tula
Mga Delegado at kasapi ng LIRA

04:15 – 04:30
Paggawad ng mga Sertipiko
Prop. Nelson Nava Pl. Turgo, Prop. Fe D. Nava, Bb. Melody G. Agudilla, at Beverly Siy

Pangwakas na Pagbati
Beverly Siy, LIRA

Sina Phillip Kimpo Jr. at Romeo Peña ang mga tagapag-ugnay ng programa.

Mamayang gabi o hatinggabi ang alis namin patungong Quezon (Lucena muna tapos Mauban). Balikan lang siguro kami — pagkatapos ng STS ay uuwi rin kaagad. Walang excursion sa Baguio, Manaoag, o night beach swimming tulad noong huling STS hehe. Baka nasa Maynila na kami bago dumating ang Lunes.

Mga Bunga ng 3 Bukseyl

Tuesday, October 14th, 2008

Heto ang mga bagong bili/bigay na aklat nitong mga huling araw at tatlong magkakaibang event.

Mula sa Booksale SM Sta. Mesa:

HISTORICAL FICTION
Harry Turtledove, American Empire: The Victorious Opposition, Php 160

POETRY
Mary Oliver, New and Selected Poems, Php 140

SCIENCE FICTION
Holt Anthology of Science Fiction, Php40

Mula sa Antique Depot, Cubao Expo

FILIPINIANA
Ferdinand E. Marcos, Today’s Revolution: Democracy, Php 50 (c1971)
Guillermo C. de Vega, Ferdinand E. Marcos: An Epic, Php 200 (c1974)
Ferdinand E. Marcos, Notes on the New Society of the Philippines, Php 150 (c1973)
Ferdinand E. Marcos, New Filipinism: The Turning Point, Php 150 (c1969)

Mula sa TriNoMa:

POETRY
Edward Hirsch, Lay Back the Darkness, Php 99

SCI-FI
William Shatner, Star Trek: The Ashes of Eden, libre (buy 1 take 1)

Ikatlong Isyu ng Bulawan Online

Thursday, October 2nd, 2008

Nilabas na namin ang ikatlong isyu ng Bulawan Online, tampok ang mga tula, maikling kuwento, pagsusuri, at panayam nina April Jade Imson, Joseph de Luna Saguid, Roberto T. Añonuevo, Romulo P. Baquiran Jr., Michael M. Coroza, at Virgilio S. Almario.

Magpunta lamang po sa www.bulawanonline.com. Para sa mga gustong magpasa para sa aming “Pasko Isyu” sa Disyembre, basahin lang ang mga detalye sa dulo ng aking blag post.

Mula sa mga editor:
(more…)