Archive for September, 2008

Go San Beda Fight!

Tuesday, September 30th, 2008

Yahu!!! Nag-three-peat ang Red Lions!

(Taga-UP Diliman ako pero lumaking fan ng SBC, kahit sa mga napakahabang taong sila ang katatawanan ng NCAA. Si Dad ang taga-Beda sa pamilya hehe.)

Hinahanap ang Lalawigan

Friday, September 26th, 2008

Ang sakit ng ulo ko. Ang layo sa pakiramdam ko noong nasa Baguio at Pangasinan ako. Doon, kahit sobrang onti ang tulog, magaan ang ulo ko. Ngayon, balik sa dating-gawi kahit maayos ang pahinga.

Hay. Kailangan kong lumabas-labas pa. Di nakakabuti ang sedentary lifestyle at work-from-home sa akin, pati na rin ang hangin ng aircon.

Mga Retrato ng Parangal kay Rio Alma sa Bulacan

Thursday, September 25th, 2008

Noong Set. 8, 2008 sa Malolos, Bulacan, pinarangalan ng pamahalaan ng Bulacan ang National Artist for Literature Virgilio S. Almario (Rio Alma) bilang Dakilang Bulakenyo.

Naroon ako sa paanyaya ni ser Rio. Para sa mga pics ng event, puntahan ang mga album sa aking Multiply:

  • Part 1 — motorcade, hero’s welcome, theater performance
  • Part 2 — photo ops, inuman kinagabihan

Kakauwi Mula Norte: Baguio at Pangasinan

Wednesday, September 24th, 2008

Kakagaling ko lang mula Pangasinan at Baguio City para sa 1) Sining ng Tugma at Sukat event ng NCCA at LIRA (basahin ang nauna kong blog post) at 2) excursion ng aming munting Dapitdilim Fellowship of Writers.

Para sa pitong sampol piks (pinili mula sa daang-daang retrato na saka ko na maa-upload), puntahan ang aking pinakabagong Multiply blag post.

Baguio at Dagupan, Hir Ay Kam

Friday, September 19th, 2008

Mula sa aking bagong Multiply post:

* * *

Ako ang nagsisilbing Coordinator sa gaganaping Sining ng Tugma at Sukat (STS) event ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at LIRA sa Lunes, Setyembre 22 sa Dagupan City National High School. (I-klik lang ang image sa taas para sa full version ng programme.)

Si sir Michael Coroza ang magiging tagapanayam sa umaga; sasamahan ko siya bilang workshop panelist sa hapon. Dahil mag-isa akong LIRA member sa event, kailangan ko ring magbigay ng Pambungad at Pangwakas na Salita. Hay.

Mula sa LIRAonline.org:

Inihahandog ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), Linangan ng Imahen, Retorika at Anyo (LIRA), at Dagupan City National High School (DCNHS) ang ikalawang programa ng Sining ng Tugma at Sukat sa Setyembre 22, 2008 sa Dagupan, Pangasinan.

Ang Sining ng Tugma at Sukat (STS) ay isang proyekto ng NCCA at LIRA para sa mga guro ng Filipino sa mga matataas na paaralan sa Kalakhang Maynila at mga karatig na lalawigan.

Ang daloy ng programa:

8:00 – 8:30
Pagpapatala

8:30 – 9:00
Panalangin
Gng. Hazel Z. Dolor, Guro sa Filipino, DCNHS

Pambansang Awit
Gng. Gemma M. Erfelo MT II sa Filipino, DCNHS

Pambungad na Salita at Introduksiyon
Bb. Lorna T. Caguioa, HT VI, Filipino, DCNHS
Dr. Teodora V. Nabor, Punong-Guro IV, DCNHS
Dr. William E. Macob, Tagamasid Pansangay I
Phillip Kimpo Jr., LIRA

9:00 – 9:30
Minindal

9:30 – 11:30
Panayam: Sining ng Tugma at Sukat
Assoc. Prof. Michael M. Coroza, LIRA

11:30 – 12:00
Malayang Talakayan

12:00 – 01:00
Tanghalian

01:00 – 02:00
Pagsasanay sa pagsulat ng tulang may tugma at sukat
Mga Delegado at kasapi ng LIRA

02:00 – 04:00
Palihan
Mga Delegado at kasapi ng LIRA

04:00 – 04:30
Bigkasan

04:30 – 05:00
Paggawad ng mga Sertipiko
Bb. Lorna T. Caguioa at Phillip Kimpo Jr.

Pangwakas na Pagbati
Phillip Kimpo Jr., LIRA

Sina Renato R. Santillan at Phillip Kimpo Jr. ang mga tagapag-ugnay ng programa.

Paalis na ako ngayon papuntang bus station, hehe. Bakit maaga? Magkakaroon din kasi kami ng munting excursion ng mga kasama kong manunulat sa Dapitdilim (hint: “Dapitan + Diliman”) sa Baguio, Manaoag, at isang beach.

Sa Martes pa ang balik ko. Kita-kits.

Bunga ng Manila Int’l Bookfair: 52 Aklat Atbp.

Thursday, September 18th, 2008

Noong nakaraang MIBF, 10 libro ang aking nabili at 2500 pesos ang naging butas sa aking pitaka.

Ngayong taon (pasensiya na kung nasa Ingles ang buod, ‘yan kasi ang pagkakasulat ko kanina at wala na akong oras magsalin ngayon):

5000-6000 pesos
52 books
3 free magazines
1 free journal which i shall distort with my own warped imagination

NBS - 767 pesos
English Novel - Milan Kundera, The Book of Laughter and Forgetting, 468 (from 585)
English Novel - Milan Kundera, The Unbearable Lightness of Being, 191.25 (from 239)
Historical Fiction - David Anthony Durham, Pride of Carthage, 99
Fantasy - Mel Odom, Lord of the Libraries, 99

ANVIL - 740 pesos
Filipino Poetry - Rio Alma, Sari-Sari, 20 (from 95)
English Poetry & Prose - Gemino Abad & Cyan Abad, Father and Daughter, 35 (from 180)
Filipino Prose - Rogelio Sicat, Pagsalunga: Piniling Kuwento at Sanaysay, 80 (from 200)
English & Filipino Poetry - Ed. Mario Miclat & Romulo Baquiran Jr., Beauty for Ashes: Remembering Maningning, 80 (from 195)
English Fiction - Charlson Ong, Conversion and Other Fictions, 35 (from 130)
English Poetry - Ricardo De Ungria, Waking Ice, 80 (from 195)
English Fiction - Cristina Pantoja Hidalgo, Where Only the Moon Rages: 9 Tales, 40 (from 210)
English, Filipino, Spanish Poetry - Marra PL. Lanot, 50 (from 195)
English Essay - Adrian E. Cristobal, Pasquinades, 80 (from 175)
English Poetry - Eileen Tabios, Beyond Life Sentences, 80 (from 220)
English Fiction - Angelo Lacuesta, White Elephants: Stories, 80 (from 329)
English Drama - Don Carlos Palanca Awards, An Anthology of Winning Works: 1980s One-Act Play, 80 (from 495)

UP - 1650 pesos
Filipino Poetry - Rio Alma (ed. Mike Bigornia), Una Kong Milenyum: 1963-1981, 150
Filipino Poetry - Rio Alma (ed. Mike Bigornia), Una Kong Milenyum: 1982-1993, 150
Filipino Prose Poetry - Rio Alma, Memo Mulang Gimokudan, 200 (from 400)
English Poetry - Ed. Gemino Abad, A Habit of Shores: Filipino Poetry and Verse from English 60’s to 90’s, 300
English Prose - Gemino Abad, Orion’s Belt and Other Writings, 50 (from 165)
English Poetry - Gemino Abad, Poems and Parables, 50 (from 100)
Filipino Poetry - Cirilo Bautista, Tinik sa Dila: Isang Katipunan ng mga Tula, 50 (from 135)
Filipino Poetry - E. San Juan Jr., Sapagkat Iniibig Kita at iba pang bagong tula, 100 (from 250)
Filipino Poetry - Teo T. Antonio, Pagsunog ng Dayami, 50 (from 170)
Filipino Epic - Teo T. Antonio, Piping-Dilat, 50 (from 170)
English Poetry - Ricardo De Ungria, Pidgin Levitations, 250 (from 650)
Filipino Poetry - Rebecca Añonuevo, Saulado, 100 (mula 180)
Filipino & English Poetry - Elynia Mabanglo, Anyaya ng Imperyalista / Invitation of the Imperialist, 100
Filipino Drama - Jose Dalisay Jr., Pagsabog ng Liwanag; Aninag, Anino, 50 (from 175)

UST -  845 pesos
Filipino Poetry - Rio Alma, Supot ni Hudas, 100
English Poetry - Ophelia Alcantara Dimalanta, Love Woman, 100
Filipino Poetry - Vim Nadera & Pinggot Zulueta, Asinta: Mga Tula at Tudla, 100
English, Filipino, Bikolano Poetry - Merlinda Bobis, Pag-Uli, Pag-Uwi = Homecoming: Poetry in Three Tongues, 100
Filipino Drama & Poetry - Rene villanueva & Ligaya Tiamson-Rubin, Eksena’t Saknong, 100
English Prose - Genoveva Edroza Matute, None of the Bitter: The Short Stories and Essays in English, 100
English Poetry - Lourd Ernest de Veyra, Shadowboxing in Headphones, 145
Miscellany - Vim Nadera, Poetreat: The Use of Poetry Therapy in Mutual Support Groups of Cancer Survivors in Metro Manila, 100

NCCA - 72 pesos
Aklanon Fiction - John E. Barrios, Engkant(aw)o ag iba pa nga tag-ud nga istorya (Ubod New Authors Series), 72 (from 80)
Magazines - Agung Jan-Feb 2008, Mar-Apr 2008, Vol. X No. 2 2007, free

CCP - 392 pesos
Literary Anthology - Ani Tomo 31 2005 “Metaphors of Love / Mga Talinghaga ng Puso”, 392

BOOKMARK - 550 pesos
Coffee Table Book - Dreamweavers, 500 (from 1000-1500)
Travel - Criselda Yabes, Letters From Palawan, 50 (from 200-500)

NEW DAY - 303
English Novel - Edith Tiempo, The Alien Corn, 58
English Fiction - Edilberto K. Tiempo, Snake Twin and Other Stories, 40
English Fiction - Edilberto K. Tiempo, Rainbow for Rima, 50
English Fiction - Edilberto K. Tiempo, Finalities: A Novelette & 5 Short Stories, 35
Filipino Drama - Rene Villanueva, May Isang Sundalo: Limang Maikling Dula, 30
English Poetry - Bienvenido Santos, The Wounded Stag: 54 Poems, 30
English Poetry - Simeon Dumdum Jr., Third World Opera, 30
English Fiction - Leoncio Deriada, The Road to Mawab and Other Stories, 30
Miscellany - Ed. Bezalie Bautista Uc-Kung, Each Day, A New Day: A Companion Journal and Planner 2006, free (from 300)

Whoo.

Bagong Website ng UMPIL

Wednesday, September 17th, 2008

Kokopyahin ko na lang ang isinulat ko sa aking Multiply blag:

* * *

Ito ang pinagkaabalahan namin nina Ia, ser Vim Nadera, at iba pa nitong mga huling linggo. Mula sa Panitikan.com.ph:

September 13, 2008

UMPIL WEBSITE LAUNCHED

The Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) launched its new website, www.Umpil.org during its 34th National Convention held last August 30. Umpil.org contains information on the organization’s history, membership, officers, and annual Congress. A list of yearly winners of the Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas, Gawad Paz Marquez Benitez, and Gawad Pedro Bucaneg can also be perused.

Founded in 1974, UMPIL is the largest organization of Filipino writers in the country. V.E. Carmelo D. Nadera ,Jr., is its current chairperson.

Umpil.org was designed by Stellify.net’s Sophia Lucero, who also designed the literary journal BulawanOnline.com. The webmaster is Phillip Kimpo Jr.

UMPIL also launched its own presence on Multiply at www.umpil.multiply.com. Multiply is a popular social networking and media sharing website. Umpil.multiply.com serves as the organization’s photo album, as well as a means to reach out to a wider audience. Writers with Multiply accounts are invited to add UMPIL to their list of contacts.

(Panitikan.com.ph)

Nahuli itong press release dahil mahigit dalawang linggo nang online ang website. Nasa photo album ko ng 34th UMPIL National Writers Congress ang ilang retrato ng paglalaunch ng site: 1, 2, 3.

At oo, sa wakas ay UMPIL member na rin ako.

Maraming salamat kay Ia para sa isa na namang magandang likha. Ang Umpil.org ang ikalawa sa set-of-three lit websites na inatupag namin. Hint: lumabas na ang ikatlo at ikahuli, pero di pa nabibigyan ng pormal na press release. Sa mga susunod na araw na lang.

Bumisita na sa Umpil.org at i-add ang Umpil @ Multiply.

Mga Bunga ng NBS Bukseyl…Ulit.

Wednesday, September 10th, 2008

Sabi ko sa huling “Mga Bunga ng…” post ko:

Eto na siguro ang magiging huling batch ng mga libro kong bibilhin bago ang Manila Int’l Bookfair.

Buti merong “siguro”, kundi ay sinungaling na ako. Heto (na naman!) ang ilang libro na binili ko mula sa 99-peso-sale ng National Bookstore. Ang huling apat ay hardbound.

FANTASY
Robert Jordan, Lord of Chaos (Book Six of The Wheel of Time), Php 93.75 (from 375)
Robert Jordan, The Path of Daggers (Book Eight of The Wheel of Time), Php 93.75 (from 375)
Orson Scott Card, The Crystal City (The Sixth Volume of The Tales of Alvin the Maker), Php 99

SCIENCE FICTION
Michael Crichton, Prey, Php 99
Kevin J. Anderson, Scattered Suns (Book Four of The Saga of Seven Suns), Php 99
Jack McDevitt, Seeker, Php 150

Mula St. Luke’s, Mula Malolos

Tuesday, September 9th, 2008

Naging matagumpay ang minor operation sa aking ama nitong Sabado sa St. Luke’s. Maraming, maraming salamat sa mga bumisita at nangamusta, kamag-anak at kaibigan (special mention sa mga ka-Uste Fellows ko).

Grabe rin ang tatlo’t mahigit na araw namin sa ospital. Nakakapagod. Kaunti lang ang naging tulog ko mula Biyernes hanggang Lunes. Pagkadischarge pa ni Dad mula St. Luke’s, kumaripas ako tungong UP Diliman para sumabay sa motorcade ng National Artist for Literature Virgilio S. Almario (Rio Alma). Pinarangalan si ser Rio sa Malolos, Bulacan. Magtatakipsilim na nang umuwi kami, at inabutan kami ng bagyo. Sa Sarah’s Beer Garden sa Diliman na namin pinatila ang ulan (na di naman tumila).

Saka na lang muna ang mga retrato. Pahinga ang kailangan ko ngayon.

Linggo ng Ospital

Friday, September 5th, 2008

Noong makalawa ay bumisita kami ng ilang LIRA members at fellows sa PGH. Doon kasi naka-confine si ser Joey Baquiran. Naaksidente ang paa niya, at sa kabutihang palad ay ‘yun lang. Pagkaraan ng operasyon ay magiging oks na ulit si ser. Pagaling kayo ser Joey!

Mamayang hapon, ako naman ang “titira” sa ospital. Icoconfine kasi si Dad sa St. Luke’s para sa isang minor operation. Hanggang Linggo o Lunes kami naroon. Dahil wala akong kapatid o ina, ako lang ang magbabantay kay Dad.

Wis mi lak.

Mga Bunga ng UMPIL Congress Atbp.

Tuesday, September 2nd, 2008

Heto ang mga bagong bili/bigay na aklat nitong mga huling araw at tatlong magkakaibang event.

Mula sa UMPIL National Convention nitong Sabado:

POETRY
Teo T. Antonio, Mga Tula sa Pag-Ibig, Php 100 (pirmado ni ser Teo)
James T.C. Na, The Wild Plant and others, libre (bigay at pirmado ni ginoong Na)

SHORT FICTION
Reading Korea: 12 Contemporary Stories, Php 300 (mula 395; pirmado ni Bang Hyun-Seok, ang panauhing pandangal ng kongreso)

LITERARY JOURNAL
ASIA: Magazine of Asian Literature, libre (bigay sa akin ni ginoong Bang Hyun-Seok pagkatapos malaman ang Koreanong apelyido ko)

CHILDREN’S BOOK
Ma. Corazon Remigio & Roland Mechael Ilagan, Bru-ha-ha-ha-ha-ha…Bru-hi-hi-hi-hi-hi, Php 55 (mula 65)

Mula sa LIRA lecture:

Virglio S. Almario (ed.), Poetikang Tagalog, Php 200 (bili ni pareng JC, kaso meron na pala siya)

Mula sa National Bookstore sale (mga bago-bagong hardcover ulit):

Anne McCaffrey & Todd McCaffrey, Dragon’s Fire, Php 99
Timothy Zahn, Manta’s Gift, Php 99
Felix Gilman, Thunderer, Php 99

Eto na siguro ang magiging huling batch ng mga libro kong bibilhin bago ang Manila Int’l Bookfair.

Mga Retrato: Tulawikaan

Monday, September 1st, 2008

Noong nakaraang Miyerkules ay ginanap sa UST-TARC ang Tulawikaan, isang seminar tungkol sa panulaan at wikang Filipino. LIRA ang nag-organize ng event, at naroon ako upang tumulong.

Dahil onti lang kaming mga LIRA members na naroon, haggard kaming lumabas ng Uste. Inuman na lang sa Tapsi ang naging lunas sa pagod.

Ang mga naging speakers sa Tulawikaan: Vim Nadera, Lilia Antonio, Mike Coroza, at Joey Baquiran.

Lagpas 70 katao mula sa samu’t saring paaralan at institusyon ang dumalo; 39 yata rito ay paying guests. ‘Yung iba kasi libre dahil taga-Uste, o kaya’y may mga na-refer na kaibigan.

Puntahan ang aking Multiply album para sa lagpas 150 na retrato ng araw na ‘yon.