Archive for August, 2008

Mga Bunga ng Samu’t Saring Bukseyl

Friday, August 22nd, 2008

Sa mismong araw ng poetry reading namin sa Conspi (at sa sumunod) ay nakabitag na naman ako ng ilang aklat. Dating gawi — kung saan-saan ko sila napulot.

Bigay ni Christa sa Conspi:

LITERARY FOLIO
Malate May 2008 (folio ng DLSU)

Binili mula sa Powerbooks sale:

POETRY
Peter Redgrove, Assembling a Ghost, Php 99 (mula 535)
Henry Shukman, In Doctor No’s Garden, Php 99 (mula 609)
John Hartley Williams, Blues, Php 99 (mula 685)

Binili mula sa Books for Less:

WRITING (SATIRE)
John Warner, Fondling Your Muse, Php 298

Binili mula sa Booksale:

POETRY
David Ray & Judy Ray (eds.), Fathers: A Collection of Poems, Php 110

LITERARY FOLIO/ANTHOLOGY
Notre Dame Review Summer 2003, Php 15

SCIENCE FICTION
Brian Herbert & Kevin Anderson, Dune: The Machine Crusade, Php 250
Philip Jose Farmer, The Lavalite World, Php 15

FANTASY
Steven Erikson, The Bonehunters, Php 30

Mga Bunga ng NBS Bukseyl

Wednesday, August 20th, 2008

Nitong mga huling araw ay napadpad ako sa National Bookstore. May sale kasi sila kung saan marami sa mga aklat ay 50-75 pesos na lang…at marami rito ay bago-bago pa.

Sinasabayan talaga nila ang nalalapit na Manila Int’l Bookfair sa Setyembre. Kawawa naman ang pitaka ng mga baliw sa libro!

SCIENCE FICTION
Stephen Baxter, Evolution, Php 50 (mula 355)
Iain M. Banks, The Algebraist, Php 50 (mula 699)

HISTORICAL FICTION
Colleen McCullough, The Grass Crown (Book 2 of the Masters of Rome series), Php 75 (mula 599)

FANTASY
Don Bassingthwaite, The Grieving Tree (Eberron: The Dragon Below Book 2), Php 50 (mula 305)

CHILDREN’S FICTION
Marcus Sedgwick, The Dark Flight Down, Php 50 (mula 279)

Poetry Reading sa Conspi

Tuesday, August 19th, 2008

Mamayang 7-8 ng gabi, Agosto 19 ay tutula ulit kaming mga Fellows ng LIRA Poetry Workshop 2007. Sa Conspiracy Bar, Visayas Avenue, Quezon City po ang venue.

Ito ang pangalawang beses na magbabasa kami sa Conspi; ang una ay noong Fellows’ Night namin (at graduation sa LIRA).

Tatlong akda ang ang babasahin ko — dalawang tula (isang luma, isang bago) at sipi/excerpt mula sa isang English creative nonfiction piece.

Open mic rin po pagkatapos tumula ng mga Fellows. Pagsapit ng 8:00 ay sina Ony Carcamo (and friends) at Heber Bartolome (at Banyuhay) ang aakyat ng entablado.

Makikita sa aking Multiply blag ang poster ng event.

(A)lamat at (H)istorya ni Rio Alma

Friday, August 15th, 2008

Isang luma at munting sulatin sa aking unang Moleskine notebook, may petsang Setyembre 17, 2007. Fellow pa lang ako noon sa LIRA workshop. Pagkatapos kong sulatin ito ay pinuno ko ang aking munting library ng mga Filipiniana at tula.

* * *

Natapos ko nang basahin ang (A)lamat at (H)istorya ni ser Rio Alma. Ito ang unang aklat na natapos ko sa Ingles at Filipino. (Di rin halatang ngayon ko lang naibigang magbasa ng mga tula, ano? Salamat sa LIRA. Puro prosa kasi ako dati.)

Ito rin ang ikatlong aklat sa wikang Filipino na natapos ko, sumunod sa Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo Reyes (isa sa mga paborito kong nobela sa kahit anong wika) at Kung paano ko inayos ang buhok ko matapos ang mahaba-haba ring paglalakbay ni Norman Wilwayco. (At pati na rin pala ang mga salin sa Filipino ng Noli at Fili.)

Mula sa librong ito, marami akong tulang lubos na nagustuhan. Ang ilan sa kanila ay:

  • Alamat ng Pagbitay kay Macario Sakay - kayganda ng huling saknong
  • Estado ng Kabuhayan Noong 1584 Sang-ayon kay Juan Arze de Sadornel - isinulat noong 6-15-84 (kindat, kindat); swakto sa kalagayan ng ating lipunan ngayon!
  • May Isang Seminarista - naaalala ko lagi ang aking ama sa maikling tulang ito

Iba pa: Alamat ng Retiradong Dyip, Ritwal, Mga Sipi sa Liham kay Haring Felipe mula kay Miguel Lopez de Legazpi, Sa Parangal ng Bayani.

(more…)

Mga Retrato: Tulaan sa Tren

Thursday, August 14th, 2008

Nailagay ko na sa Multiply ko ang sangkatutak na pics ng Tulaan sa Tren, “isang proyekto kung saan maririnig sa PA system ng mga tren ng LRT-2 (’yung mas bagong linya) ang mga tula ng ilan sa pinakamagagaling na makata ng Pilipinas. Ilang mga artista at TV personality ang bumigkas sa mga tula.”

Dumalo sa launching ng Tulaan sa Tren at bagong libro ni Rio Alma ang ilang mga sikat na personalidad (Chinchin Gutierrez, Christine Bersola, Julius Babao, Rhea Santos, Lyn Ching) at mga hebigats na manunulat at makata (Gemino Abad, Pete Lacaba, Teo Antonio, Ligaya Tiamson-Rubin, Vim Nadera, Danton Remoto, Paolo Manalo, Nerisa del Carmen Guevara, Raul Funilas, atbp).

Naroon kaming ilang LIRA members at mga bagong Fellows para sa taong ito.

Ang pics at daloy ng mga pangyayari noong Agosto 9, 2008:

  • Part 1 — LIRA workshop sa umaga; pagpunta sa LRT; programme sa LRT-2 main office
  • Part 2 — Inaugural train ride sa LRT-2 (Santolan-Recto, Recto-Santolan) kung saan sinolo ng mga dumalo ang ilang train coaches
  • Part 3 — Launching ng bagong libro ni ser Rio; performance nina ser Vim at Tata; pagbasa ng mga tula nina ser Teo at Danton; kainan; pag-uwi ng mga taga-LIRA

Mga Bunga ng Linggong Nakaraan

Tuesday, August 12th, 2008

Naka-huli na naman ako ng ilang magagandang aklat nitong Sabado at Linggo. Ayaw ko na sanang bumili ng mga libro (bago mag-Manila Int’l Bookfair), pero di ako nakapagtimpi. Hay.

Sa Tulaan sa Tren / Book Launch ni Rio Alma (Sabado):

POETRY
Rio Alma trans. Marne Kilates, Mga Biyahe, Mga Estasyon = Journeys, Junctions, Php 300
NCCA (Rio Alma ed.), Bulawan 19: Journal of Philippine Arts & Culture, Php 200

Sa National Bookstore Robinsons Galleria (Linggo, pagkatapos ng LIRA lecture sa umaga sa Ortigas Library):

CREATIVE NONFICTION
Luis Joaquin M. Katigbak, The King of Nothing to Do: Essays on Nothing and Everything, Php 350

Sa Booksale SM Megamall (Linggo, pagkatapos ng lecture sa hapon):

POETRY
Suzanne Lumis, In Danger, Php 15

LITERARY ANTHOLOGY
Raritan: A Quarterly Review Vol. 27 #3, Php 70
Lynx Eye Fall 1997, Php 15

MISCELLANEOUS
Daniel P. Friedman and Matthias Felleisen, The Little LISPer, Php 10
Laurel Danara, Unofficial Riven: The Sequel to Myst Strategies & Secrets, Php 5

Na-Interbyu Ako.

Friday, August 8th, 2008

Mula sa Multiply ko:

* * * * *

Hindi, hindi kay Nancy Castiglione ulit. Napagtripan kasi ako ng aking kaibigan, kapwa manunulat, ka-batch sa LIRA 2007, at isang magaling na makata na si Rogerick Fernandez — iinterbyuhin daw niya ako para sa blog niya. Pinaunlakan ko naman kahit di ko alam kung tungkol saan ang pag-uusapan.

Mababasa rito ang panayam.

Lumalabas na ang panayam niya sa akin ang unang edisyon sa kanyang bagong “proyekto.” Takte, hindi ko alam na ‘yun pala ang magiging pamagat ng proyekto ni Rhodge (basahin na lang ang interbyu para malaman kung ano). Hehehe. Pero h’wag malinlang sa pamagat ng panayam — may lalim ang mga napag-usapan namin, kasama na siyempre ang literatura.

Heto ang ilang sipi mula sa interbyu.

Tungkol sa aking pseudonym/online handle:

Rhodge: Teka, pag sine-search kita sa Internet, synonymous sa name mo ang The Corsarius. Ano ba ung term na ito?

Phillip Kimpo Jr.: Ah. Mahabang kuwento iyan. Una, ang Corsarius ay Latin ng salitang “corsair”, o pirata.

Rhodge: OK. Captain Hook, ikaw ba yan? Hehe!

Phillip Kimpo Jr.: Nakahiligan ko itong salitang ito noong high school ako. Alam mo na, iyong punto ng buhay natin na naghahanap tayo ng maayos na online nickname para sa YM at ano pa.

Una kong nabasa ang salitang “Corsarius” sa isang nobelang sci-fi. Noong high school ako, wala pa masyadong kahalagahan ang nickname na iyon para sa akin. Wala lang, “cool” at unique lang. Pero habang tumatanda ako ay nabibigyan ko na siya ng mas malalim na kahalagahan at kahulugan. Para bang “retrofitted” ang meaning.

Mas malalaman ‘yon sa isang sanaysay ko sa tinatapos kong aklat ng mga kuwentong personal, ang Corsair of Cordillera Street.

(more…)

Mga Retrato: LIRA sa Museo Pambata

Wednesday, August 6th, 2008

Noong nakaraang Sabado ay ginanap sa Museo Pambata ang mga LIRA lecture para sa epigraph (Fidel Rillo) at ekphrasis (Marne Kilates).

Isa lang ang masasabi ko: Literatura + Pagiging Bata Muli = Kasiyahan.

Unang beses ko palang makapunta ng Museo Pambata. Kanyubilibit?

Mahalagang aral: ‘wag magdadala ng mga deprived na yuppie/young artists sa lugar na pambata. Ang kabastusan at pagmumura mula sa mga bibig nila ay nakalalason sa utak ng mga musmos. Hehe.

Puntahan ang aking Multiply album para sa lagpas 150 na retrato ng araw na ‘yon.

Aklan, Pagkaraan ng Hagupit ni Frank

Monday, August 4th, 2008

Mula sa aking Multiply blag:

Ang “hagupit” ay isang understatement.

Lingid sa kaalaman ng nakararami, madugo at malupit ang sinapit ng Aklan noong nakaraang bagyong Frank. Ang Aklan ang tinubuang bayan ng aking pamilya, at kahit dito na ako pinanganak sa Lungsod ay purong dugong Akeanon ako.

Di masyadong nabigyang pansin ang sakuna sa media, lalo na sa Metro Manila. Mas nabigyan ng pansin ang nangyari sa Iloilo (na alam naman nating mas prominente keysa Aklan sa isla ng Panay).

Di rin nakatulong na sinabi ni DOT secretary Ace Durano na hindi kalakihan ang sinapit na pinsala ng Kalibo at Aklan. Kahit ako ay napamura noong nabasa ko ‘yon sa diyaryo.

Kaya — salamat sa Diyos — ay may maayos nang lumabas na salaysay tungkol sa mga totoong nangyari.

Basahin ang buong blag post dito.

Ikalawang Isyu ng Bulawan Online

Friday, August 1st, 2008

Ang aming press release:

* * *

Lumabas na po ang ikalawang isyu ng Bulawan Online, tampok ang mga tula, pagsusuri, at panayam nina Charles Tuvilla, Phillip Kimpo Jr., Roberto T. Añonuevo, Michael M. Coroza, Vim Nadera, at Virgilio S. Almario.
Magpunta lamang po sa www.bulawanonline.com.

Mula sa mga editor:

ISYU BLG. 2, TOMO 1. Ipinagmamalaking ilathala ng Bulawan Online sa isyung ito ang katangi-tanging mga akdang pampanitikan sa mga buwan ng Agosto-Setyembre 2008.

Mga sipi mula sa mga akda:

Estetika at Pagtanaw hinggil sa Dalawang Lungsod, pagbása ni Roberto T. Añonuevo sa mga tula nina Charles Tuvilla at Phillip Kimpo Jr.:

Maaaring tanawin ang lungsod sa iba’t ibang paraan, at isa sa rito ang pagtatanghal sa punto de bista ng isang tagalungsod na dumadama sa loob ng lungsod at tumatanaw papalabas ng sakop nito at tanging siya lamang makababatid. O kaya’y tingnan ang lungsod mula sa labas nito, nang sa gayon ay mabatid ang kabuuan ng lungsod na hindi mababatid ng tao na nasa loob nito at ang sipat ay limitado. Ang ganitong pagtanaw hinggil sa lungsod ang ipinamamalas ng mga tulang “Sa Unang Ulan ng Mayo” ni Charles Tuvilla at “Talà” ni Phillip Kimpo Jr.

(more…)