Ortigas Foundation Library Atbp.
Unang beses ko kaninang mapadpad sa Ortigas Foundation Library. Doon kasi ginanap ang mga panayam nina ser Marne Kilates at ser Michael Coroza tungkol sa pagsasalin (translation), bilang bahagi ng LIRA Klinikang Pampanulaan 2008.
Ilang buwan ko na ring napupusuan ang pagsasalin ng mga tula (Ingles tungong Filipino at bise bersa), ngunit kakaunti pa lang ang mga naging produkto ko. Ang mga panayam sa pagsasalin ngayong taon ang ilan sa mga pinaka-inabangan kong panayam sa LIRA. (Noong nakaraan taon ay sa UST ginanap ang panayam sa pagsasalin.)
Maganda pala talaga ang aklatan. Dehado nga lang sa lamig ng aircon nito ang mga may trangkasong tulad ko. (E bakit kasi pumupunta nang may sakit! Hehe kinaya naman.)
Pagkatapos ng araw ay dumeretso kami ng mga kasama kong Dapitan-Diliman fellows (UST NWW Fellows na nakapag-LIRA) sa Robinsons Galleria para sa hapunan slash bonding. (Kasama rin si Carla, kaibigan ni Ynna sa MA sa Uste.) Maraming napag-usapan…outings, book projects, at kung ano pa.
Mukhang magiging busy kami nito sa mga susunod na buwan.