“Sa Wakas, May Bumili”
Noong Martes, pumunta ako ng UP Diliman para magpa-print at magpa-xerox ako ng mga gagamiting dokumento ng mga fellows ng kauna-unahang The UP Parser Writing Workshop. (Sira kasi ang printer ko.)
Ginamit ko na rin ang pagkakataon upang dumalaw sa bilihan ng mga gamit na aklat sa Shopping Center. Kasama ng isang bagong UP sling bag at UP t-shirt (waw, loyal na loyal a, di bale ang napipintong 1-13 record sa UAAP Men’s Basketball), nakahanap ako ng isang hiyas ng panitikan.
Nabili ko ang Bratsk Station and Other New Poems ng Rusong makatang si Yevgeny Yevtushenko sa halagang Php 125. Hardbound, may mahigit 200 pahina, nasa magandang kondisyon, at lumabas noong 1967.
Sa madaling salita, sulit. (Para sa akin ha.)
Lalo pa akong “nasulitan” sa aking bagong libro nang naibulalas ng may-ari/tindero ng bookshop, “Sa wakas, may bumili na rin niyan!”
Dagdag pa ni Manong, “Ang ganda-ganda niyan e!” At saka siya nagkuwento kung gaano kamahal ang Bratsk Station nang una niya itong nabili (Php 600 daw), kung paano siya nagreklamo sa kanyang kasosyo (asawa? kamag-anak?) dahil ibinenta lang ito sa halagang Php 125, at kung paano sinagot ang kanyang protesta (”Wala na ngang bumibili niyan kaya dapat murahan!”).
Sa madaling salita: na kay Phillip Kimpo Jr. na ang aklat.
July 27th, 2008 at 12:06 am
[...] (Linggo hanggang Sabado), heto ang mga babasahing binili ko mula sa Booksale, Books for Less, at UP Shopping Center. Karamihan ay mura, may ilang may kamahalan, at may ilang libre (bahagi ng promo sa Books for [...]