1stJune
Mga Produkto ng Mayo
Putsa ang dami ko palang nagawa nitong nakaraang buwan:
- nakatapos ng 8 aklat: 4 tula sa Filipino, 1 antolohiya sa Filipino, 2 nobela sa Ingles, 1 historical nonfiction sa Ingles
- nakasulat ng 9 na tula sa Filipino: 2 malayang taludturan/free verse, 1 prose poem, 6 tanaga (oo kaya dumami e dahil sa tanaga haha); ‘yung 3 free verse at prose poem, para sana sa aming cluster sa LIRA
- nakasulat ng 2 flashfic/kuwentong dagli: 1 sa Ingles, 1 sa Filipino, at may 1 sariling salin mula rito
- nakasulat ng 4 na sanaysay sa Ingles, para sa aking malapit nang matapos na…basta. Hehe. Isang salita: manuscript. Abangan. Tatlo pang salita: Corsair of Cordillera Street.
Lahat ng ito ay nagawa sa buwan kung kailan:
- nagdiwang ako ng aking kaarawan
- namatayan ako ng alagang aso
- nagdusa ako nang dalawang linggo ng pananakit ng ulo at kinailangang magpatingin sa duktor
- na-hack ulit ang aking dosenang sayts
- makailang ulit ako lumabas at nalasing (!) sa mga pagkikita-kits ng mga Fellows ng UST National Writers’ Workshop
- nagtrabaho para sumahod (siyempre)
Galing ng buwang ‘to ah. Nabuwang ako.
June 9th, 2008 at 3:23 am
nalilito talaga ako sa kung aling blog mo dapat ang regular kong tinitignan. hahahaha.
napakadami mong lugar sa cyberspace, ano baaaa.
June 11th, 2008 at 2:54 pm
hahahaha. sa ngayon e etong blog na ‘to at yung multiply ang ina-update ko…tas paminsan-minsan e yung ingles at tech blogs