20thMay
Di Pa Naman Ako Madededo
Kaninang umaga ay bumisita kami sa St. Luke’s para ipatingin ang aking kukurog-kurog na katawan. Ang mga findings ng 2 doktor na sumuri sa akin:
- Mga pagkirot sa puso (literal ha, di usapang romantiko) — allergy lang. Iwasang magkape dahil sanhi ito ng heart palpitations. Normal din daw ang blood pressure ko.
- Lagpas isang linggong sakit sa ulo — sinusitis lang. Masyado pa akong bata para sa mas seryosong karamdaman. Perpekto pa rin ang aking eyesight.
- Sakit sa unang pagkagat / lockjaw — Mayroon akong “temporomandibular joint disease“. Dislocated ang aking mga panga at may trauma ang aking kanang panga. Ayusin ko na dapat ang aking pagnguya at pagkagat.
Hay.