Kadramahan ng UST National Writers’ Workshop
Ay, nakalimutan kong ibahagi sa blag na ‘to ‘yung mga karanasan ko sa kakatapos lang na UST workshop. Isang sipi mula sa aking Multiply blag:
Pero grabe talaga ‘yung Uste workshop. Hindi ko inisip na magiging ganoon kaganda ang karanasan. Maganda na kung maganda ang critiques at natanggap na comments at kung ano pang mga tunay na sadya ng isang taong nagpapa-lit workshop, pero kapag tinanggal mo lahat ‘yon, ang pinaka-astig — at bittersweet — sa Uste workshop ay ang naganap na pagkakaibigan.
Pagkakaibigan. At akala ko pa naman ay masyado nang puno ng katarantaduhan ang mundong ito.
Kaya pala ng isang linggo na ipadama sa ‘yo ang buong spectrum ng mga emosyon. Kaya pala. Akala ko jaded na ako. Pero kaya pala.
Ansarap ng pakiramdam na napapatunayang mali ka sa mga pananaw mo sa mundong ‘to.
Basahin ang buong madramang blag post.
Susunod na lang ang mga retrato.
July 26th, 2008 at 11:44 pm
[...] ng araw ay dumeretso kami ng mga kasama kong Dapitan-Diliman fellows (UST NWW Fellows na nakapag-LIRA) sa Robinsons Galleria para sa hapunan slash bonding. (Kasama rin si Carla, [...]