Pahabol na Uste Worksyap Piks
Saturday, May 31st, 2008Part 2 ng mga retrato ng UST National Writers’ Workshop. Eto naman ‘yung galing sa Nagcarlan, Laguna.
Part 2 ng mga retrato ng UST National Writers’ Workshop. Eto naman ‘yung galing sa Nagcarlan, Laguna.
Kaninang umaga ay bumisita kami sa St. Luke’s para ipatingin ang aking kukurog-kurog na katawan. Ang mga findings ng 2 doktor na sumuri sa akin:
Hay.
Di ako nakapagpa-check up kanina. Di tuloy ako nakadalo sa palihan kasama si ser Rio. Bukas na lang o sa makalawa.
Ako: “25 years old e patay na ako.”
Dad:” Ay, sige d’yan ka na lang sa Sanctuarium?”
Ako: “Oo, pa-cremate mo na lang ako.”
Dad: “Sige, pa-reserve ka na.”
Hahaha!
Matatagpuan po sa aking Multiply account.
Part 1 pa lang ‘yan. Sa susunod na mga araw na lang ang Nagcarlan, Laguna piks.
Mula sa aking Multiply blag:
Nabanggit ni ser Cirilo Bautista sa kanyang kolumn sa Philippine Panorama (ng The Manila Bulletin) ang mga Fellows ng kakatapos lang na 9th UST-CCWS National Writers’ Workshop.
Por reperens: Mayo 11, Linggo lumabas ang column. Sana’y meron sa mga Fellows ang mag-scan ng artikulo (”Prose and the UST Writers Workshop”); ang pangit ng mga retrato ko e hehe.
Para makita lahat ng retrato ng mga press release, magtungo sa aking Multiply sayt.
Ipinanganak: Marso 15, 2002 ng 8:00 ng gabi
Pumanaw: Mayo 10, 2008 ng 7:52 ng gabi
Kagabi, isang oras bago magsimula (teknikali) ang aking birthday ng 8:52 ng gabi ay pumanaw ang aso naming si Jackie. Ilang buwan din niyang nilabanan ang sakit sa atay.
Nabanggit ko rin ang pangyayaring ito sa aking birthday essay. Medyo nakadagdag pa nga sa ‘artistic moment’.
Kakaiba talaga ang mga pamamaraan ng Maykapal.
Takits na lang sa langit, Jackie.
(Kung mapupunta ako roon.)
…na ako ngayong araw na ito.
Para sa isang seryosong sanaysay (a.k.a. birthday post) sa Ingles, magtungo sa Slip of the Pen.
Para sa isang walang-saysay na salaysay ng kung anumang nangyari sa walang pangyayaring kaarawan ko, magtungo sa aking Multiply blag.
Ay, nakalimutan kong ibahagi sa blag na ‘to ‘yung mga karanasan ko sa kakatapos lang na UST workshop. Isang sipi mula sa aking Multiply blag:
Pero grabe talaga ‘yung Uste workshop. Hindi ko inisip na magiging ganoon kaganda ang karanasan. Maganda na kung maganda ang critiques at natanggap na comments at kung ano pang mga tunay na sadya ng isang taong nagpapa-lit workshop, pero kapag tinanggal mo lahat ‘yon, ang pinaka-astig — at bittersweet — sa Uste workshop ay ang naganap na pagkakaibigan.
Pagkakaibigan. At akala ko pa naman ay masyado nang puno ng katarantaduhan ang mundong ito.
Kaya pala ng isang linggo na ipadama sa ‘yo ang buong spectrum ng mga emosyon. Kaya pala. Akala ko jaded na ako. Pero kaya pala.
Ansarap ng pakiramdam na napapatunayang mali ka sa mga pananaw mo sa mundong ‘to.
Basahin ang buong madramang blag post.
Susunod na lang ang mga retrato.
Kakabalik lang ng aking mga blags mula sa impiyerno ng kawalang-password at ilang nawawalang posts. Letseng mga hacker ‘yan. May mga comments na nawala pero layp goes on.
Salamat uli kay Ia sa napakalaking tulong.