Archive for March, 2008

Maagang Misa

Sunday, March 30th, 2008

Kakagaling ko lang sa Misa.

Ngayon, di naman ito kablag-blag kahit sa isang personal na blag. Nagkataong lang kasing ngayon lang ulit ako nakapagsimba ng umaga sa ilang…taon? Lagi kasing gabi ako magsimba.

Minsan pa nga ay hindi talaga nakakapagsimba…

…kahit ang simbahan ay isang kanto lang ang layo sa aming tirahan. Waw.

Pasok sa USTe Workshop

Thursday, March 27th, 2008

Mula sa aking Multiply account:

Nitong Lunes ng umaga ay nakatanggap ako ng tawag mula sa University of Santo Tomas Center for Creative Writing and Studies (UST-CCWS).

Ang nakasagot ng telepono ay ang aking ama, na akala ay ahente ng Value Vision / Home TV Shopping ang tumatawag. Kaya naman ang sabi niya, “Ay, tulog pa siya.”

Buti na lang at narinig niya ang mga salitang “UST” at “Writers”, kaya ayun, humangos na sa kuwarto ko.

Magandang balita pala — natanggap ako sa 9th UST National Writers Workshop para sa kategoryang English Creative Nonfiction (English essay). Kinse ang buong bilang ng mga Fellows para sa tula, maikling kuwento, at sanaysay sa parehong Filipino at Ingles.

Sa unang linggo daw ng Abril ang aming orientation, at sa Abril din yata (o Mayo?) idadaos ang workshop….sa Baguio City.

Sa maniwala kayo’t hinde, isang beses pa lang ako nakaakyat ng Baguio, at ‘yun ay noong bata pa ako. (Kadalasan ay patimog ang mga paglalakbay ko sa Pinas — Aklan, Region 4, Cebu, GenSan). Sobra sa isang dekada na ang nakaraan!

Hay. Pagkatapos ng Tagalog at tula (sa LIRA workshop), Ingles at prosa naman. Bring it on! ;)

Update: Kakaalam ko lang na natanggap din pala ang isa sa mga kasama kong LIRA Fellows ng Batch Sidhay, si Christine Magpile. Sa Filipino Creative Nonfic naman siya. Congrats, Christine! Nanalo sa DLSU Ambahan contest at ngayon naman ay USTe workshop. ‘Yan ang tunay na “on a roll!”

Maraming salamat pala sa mga kamag-anak at kaibigan na bumati sa akin doon sa Multiply, hehehe!

Ang Aking Multiply Account

Thursday, March 20th, 2008

Lagi kong nakaliligtaang ipaskil sa blog na ‘to: Buhay at sumisipa* na po ang aking Multiply account na pinamagatang Ang Ika-Ilang Blag ni Phillip Kimpo Jr. (Di man lang pinagana ang imahinasyon!)

Doon matatagpuan ang imbakan ng aking mga retrato/photo/pic, pati na rin ang iba pang kabalastugan.

Bisitahin ang aking Multiply account.

*Napakapangit na pagsasalin.

‘Personalize It’

Wednesday, March 19th, 2008

Kakagaling ko lang sa solo exhibit ni Caloy Gernale (kasintahan ni Kel Juan); kasama kong pumunta sina Pau Hernando at Karla Cachola. Ang pamagat ng eksibit: Personalize It. Ang pinagdausan: Art Informal sa Greenhills. Unang beses kong makapunta sa galeriyang iyon.

Masaya ang naging kuwentuhan at picture-taking, hehe. Maghahatinggabi na yata noong umuwi kami. Dumaan pa kami ni Pau at Karla sa McDo at Krispy Kreme sa Greenhills Shopping Centre para tsumibog.

Ang pinakamasaya para sa akin: nagkita-kita ulit ang mga kasapi ng Lipunan (JC sayang hindi ka nakapag-leave!)…at nadagdagan pa ang bilang namin.

Para sa sining, para sa lipunan!

*Excited para sa hinaharap…*

*…kahit nilalabanan ang depresyon.*