Archive for February, 2008

Umaapaw

Friday, February 15th, 2008

Sobra-sobra ang dami ng:

  • Mga lit contest/workshop/anthology sa susunod na tatlong buwan, kabilang ang Pebrero;
  • Mga kailangang isulat — tula sa LIRA at erotika sa isang buk prajek;
  • Trabahong kailangan asikasuhin;
  • Mga mahinang cell (sidhay?) ng aking katawan, kaya may kaunti na naman akong karamdaman;
  • At mga suliranin sa loob ng utak ko.

Hindi nakatulong na Valentine’s Day pa kahapon.

Siya nga pala, maligayang kaarawan sa aking ama!

Beer + Mountain Bike

Monday, February 11th, 2008

Kakagaling ko lang kagabi sa birthday celebration ni Tita Lourdes. Siyempre may inuman.

Ayaw ko pa sanang subukan ‘yung mountain bike ni Manang Khiara. Hanggang BMX lang kasi ako, at dati ay nahirapang bumalanse sa mas matangkad na bisikleta.

Ayon, onting serbesa lang at nakasubok din.

Marunong pa rin pala akong mag-bike.

Yahoo.