21stDecember
UP Lantern Parade
Noong Martes ay bumalik kami ni Ia sa aming Alma Mater para sa taunang Lantern Parade. Bumaba na ang kalidad ng mga lantern nitong nakaraang dalawang taon, at ganoon pa rin ang nangyari nitong 2007. Buti na lang at nakakapang-”Shet, ayos ‘yon ah” pa rin ang mga likha ng College of Fine Arts. Iyong sa Eng’g (ang aming lumang kolehiyo), ayos lang, ngunit mas maayos ang mga nakaraang taon.
Kinagabihan, naging saksi kami ni Ia sa engrandeng fireworks display sa Quezon Hall. ‘Yon talaga ang “Shet!” moment. Napakalapit sa amin ang mga paputok sa papawirin, at halos bertikal na ang pagtingala namin ni Ia. Nahuhulog pa nga ang mga cinder ng paputok sa aming mga mukha.
December 24th, 2007 at 10:09 am
“Pak-Shet!” yun naman ang sabi ng kasama ko nang panoorin namin ang Lantern Parade nitong nakaraang miyerkoles.
“Kung kasing bongga man lang sana ang mga floats ngayon tulad noong mga late 80’s to early 90’s at kasama itong mga fireworks display ngayon… super bongga di ba?”
Wala akong nasabi sa kasama ko kung hindi, “Sssshhh, tumahimik ka nga dyan at napaghahalataan ang edad natin.”
Matapos nang lagpas sa isang dekadang hindi pagbisita sa Peyups para sa Lantern Parade, nakakatuwang isipin na patuloy pa rin ang tradisyon na ito.
Mabuhay!
(Dagdag pa ng kasama ko, “Uy, ang daming guwapong mga bagets ngayon. Hihihihi… Iwan mo na ako’t baka makaiskor ako.” Landi.)
December 27th, 2007 at 3:32 pm
Shet, natawa ako doon ah. Seryoso.
Sabi pa naman nila mas engrande ang parada ngayon bilang paghahanda sa UP Centennial. Tsk.
Mabuhay din kayo!
January 10th, 2008 at 5:38 pm
Ang sabi nga ng mga kaibigan ko pumunta raw ako at sabay-sabay naming panoorin ang parada!
Ayun, nanood na rin. Para na rin sa aking proyekto sa unibersidad. Pero, ang totoo, parang hindi pa rin ganung kaganda ang parada. Di tulad sa inaasahan ko. Pati, ano ba ang theme ng parada? Bakit may mga float na parang ‘Out of Place’ kung tutuusin. Sayang, first time ko pa naman yun.