Archive for December, 2007

Kaarawan ni Karimlan

Friday, December 28th, 2007

Hindi, hindi itong blog na ito. Nakaligtaan kong lumipas na pala ang isang taon mula noong bumili ako ng aking unang moleskine, na siyang pinangalanan kong Karimlan.

(Kuwaderno po. Dehin din gawa sa balat ng mole.)

Mas mabilis pa sa pag-alis ni Jalosjos sa bilangguan ang pagtaba ng aking moleskine. Talagang tumaba at malapit nang mapuno. Salamat sa mga panayam at asignaturang mga tula nitong nakaraang Palihan sa LIRA, hehe.

Lumulutang na mga Aklat

Thursday, December 27th, 2007

Paglilinaw: mga aklat na nakalagay sa lumulutang (malamang) na sasakyang dagat. Sa madaling salita, MV Doulos, ang tanyag na “floating bookstore”.

Nakalimutan kong ibalita sa blog na ito ang aking huling post sa Slip of the Pen, kung saan matatagpuan ang ilang retrato ng aming pagbisita sa Doulos (bilang bahagi ng aming “Recto-Doulos field trip”) at ang mga librong nabili ko. Endyoy.

At belated na maligayang Pasko pala.

UP Lantern Parade

Friday, December 21st, 2007

Noong Martes ay bumalik kami ni Ia sa aming Alma Mater para sa taunang Lantern Parade. Bumaba na ang kalidad ng mga lantern nitong nakaraang dalawang taon, at ganoon pa rin ang nangyari nitong 2007. Buti na lang at nakakapang-”Shet, ayos ‘yon ah” pa rin ang mga likha ng College of Fine Arts. Iyong sa Eng’g (ang aming lumang kolehiyo), ayos lang, ngunit mas maayos ang mga nakaraang taon.

Kinagabihan, naging saksi kami ni Ia sa engrandeng fireworks display sa Quezon Hall. ‘Yon talaga ang “Shet!” moment. Napakalapit sa amin ang mga paputok sa papawirin, at halos bertikal na ang pagtingala namin ni Ia. Nahuhulog pa nga ang mga cinder ng paputok sa aming mga mukha.

Enchanted!

Wednesday, December 19th, 2007

Pagkagising ko kanina, isa sa mga una kong naisip ay kung gaano talaga ka-enchanting ang pelikulang Enchanted. Basta, masaya. Magaling lahat ng mga aktor…lalo na si Amy Adams. May nabasa pa nga akong review kung saan binanggit siya bilang bagong Mary Poppins. 33 taong gulang na pala siya!

(Kay Ia si Patrick Dempsey, akin si Amy. Haha.)

Sayang at hindi magiging isa sa mga Disney Princesses ang karakter ni Amy na si Giselle. Kailangan daw kasi bayaran ng Disney ang pang-habang buhay na rights sa imahe ni Amy.

Maraming magagandang behind-the-scene na retrato mula sa Enchanted ay matatagpuan dito:

At pahabol: Enchanted premiere night pics.

At hindi, hindi po magiging showbiz blog itong Karimlan. Natutuwa lang talaga ako sa Enchanted. Utang ko ito kay Ia hehe. Ilang magagandang sine na ba ang napanood ko dahil sa kanya (na hindi ko naman talaga planong panoorin)? Hay, naaalala ko tuloy ang Cars.

Mga Retrato ng LIRA Fellows Night 2007

Monday, December 17th, 2007

Nasa kabilang blog po ang aking munting “wrap-up” para sa aming Fellows Night 2007, na ginanap isang linggo na ang nakakaraan.

Mga Batikang Problogger ng Pinas

Sunday, December 16th, 2007

May kumilala po sa akin bilang isa sa Top 45 probloggers ng ating bansa. Sa mga hindi pa nakakaalam, ang Pilipinas ang isa sa pinakamalakas na bansa pagdating sa blogging at “professional blogging”.

Maraming salamat kay Ginoong Michael.

LIRA Fellows’ Night, Bukas Na!

Monday, December 10th, 2007

Ilang oras na lang at matatapos na ang Palihan 2007 ng Linangan ng Imahen, Retorika, at Anyo. Dehins akong makapaniwala. Matatapos na! E samantalang noong Hunyo ay hindi ko pa nga alam kung tatapusin ko ang Palihan. (Buti na lang…)

Kung makakapunta kayo, pumunta kayo:

LIRA Fellow’s Night 2007 at Folio Launching

7-9 ng gabi, Disyembre 11 (Martes)

Conspiracy Bar, Visayas Avenue, Quezon City

Bisitahin ang aking blog sa Ingles para sa pubmat at preview ng aming SIDHAY folio. Mula naman kay Xta:

Kayo po ay malugod na inaanyayahan ng mga kasapi at kasalukuyang fellows sa pagdiriwang ng ika-22 taon ng pagkakatatag ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA), isang organisasyon ng mga makatang masigasig na nagsusulat sa wikang Filipino. Ito ay sa darating na ika-11 ng Disyembre sa Conspiracy Bar.

Kasama sa nasabing pagdiriwang ang paglunsad ng literary folio ng SIDHAY batch (lira fellows ‘07). Ang koleksyong ito ay ilan sa mga nabuong tula ng bawat fellow matapos ang mga lecture at palihan na nagsimula noong Hunyo sa kasalukuyang taon. Magpatangay sa parikala at taludtod nina: Christa De La Cruz, Rogerick Fontanilla Fernandez, Kel Juan, Christine Magpile, John Montoya, JC Sola, Guia De Leon, Pau Hernando, Phillip Kimpo Jr., Alev Maniago at Por Requinto.

Isinilang ang LIRA noong Disyembre 15, 1985 sa opisina ng ngayo’y Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario, (mas kilala bilang Rio Alma) sa Adarna House, Quezon City, nagkasundo ang siyam na batang makata — sina Rowena Gidal, Edwin Abayon, Dennis Sto. Domingo, Ronaldo Carcamo, Danilo Gonzales, Vim Nadera, Ariel Dim. Borlongan, Romulo Baquiran, Jr. at Gerardo Banzon na magtagpo tuwing Sabado nang hapon para sa madugong pagsipat sa kanilang mga tula. Tinawag nila itong Rio Alma Poetry Clinic. (reference)

Sana’y marami kaming makapagtapos (sorpresa na lang daw kung sino-sino ang makatatanggap ng sertipiko). At…sana’y lahat ng magtatapos ay maging kasapi ng LIRA (oo, hindi ‘yon awtomatik!).

May Bago Akong Websayt

Sunday, December 9th, 2007

At ito’y matatagpuan sa Phillip.Kimpo.ph.

Maraming salamat kay Ia para sa disenyo at kay JC para sa retrato.

UP Writer’s Night + TRIBU Film Showing

Saturday, December 8th, 2007

Puno ang iskedyul ko mamayang gabi. Ang una ay ang film showing ng TRIBU para sa pagpapagamot ni Tata Raul Funilas, kasapi ng LIRA:

Muling ipalalabas ang pelikulang TRIBU sa UP Cine Adarna (Film Center) sa ika-8 ng Disyembre 2007, ganap na alas-7 ng gabi.

Nagwagi bilang Best Full-length Film ng Cinemalaya Independent Film Festival 2007, isinisiwalat ng TRIBU ang dahas, rubdob, at salimuot ng Tondo sa pamamagitan ng pagtatanghal ng buhay-gang. Sa pamamagitan ng pagkuha ng mga artista mula mismo sa mga residente ng Tondo at sa mga kasapi ng gang mula rito, higit na napaigting ang pagpaparanas ng pelikula — mula sa madilim ngunit sa isang banda ay makulay na gulo ng lugar, hanggang sa musika ng rap.

Ang TRIBU ay isinulat ni Jim Libiran, na siya ring direktor ng pelikula. Nagwagi rin ito sa kategoryang Full-length Screenplay ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature 2006. Para sa tiket at sa karagdagang impormasyon, maaaring itext si Pam Maranca sa 09197971213. P100 ang isang tiket.

Magkakaroon din ng mini-concert ng mga gangster-rapper na mapapanood sa pelikula at isang symposium ukol sa buhay-gang.

Ang pagpapalabas ng Tribu ay bahagi ng Human Rights week celebration sa UP Diliman. Ang film showing na ito ay handog ng UP Cine Adarna at LIRA, isang organisasyon ng mga makatang nagsusulat sa wikang Filipino. Bahagi ng kita ay mapupunta sa pagpapagamot kay Tata Raul Funilas, isang manggagawa mula sa UP at kasapi rin ng LIRA na may karamdaman sa bituka at tiyan.

–mula kay Beverly Siy, presidente ng LIRA

Ang ikalawang pangyayari ay ang inaabangang Writer’s Night:

Writers Night on December 8 in U.P. Diliman promises to be more than a chance to meet the idols of Philippine literature. If one stays on long enough, one will actually see many of them do poetry performances. Or sing. Yes, many writers are singers. And band members too. So expect this December affair to be a party experience that will be just as fun and memorable as the previous writers night.

The event starts off at 5:30 pm with the awarding ceremony of the Madrigal-Gonzalez Best First Book Award at the Teatro Hermogenes Ylagan, Bulwagang Rizal, Kolehiyo ng Arte at Literatura, U.P. Diliman, Quzon City . The award was established in February 2001 through the initiative and generosity of the Madrigal-Gonzalez family. It encourages writers who have published a first work in English and Filipino to continue in the pursuit of excellence in the literary arts. The award is yearly and alternates between works in English and Filipino. The 2006 winner was Kristian Cordero’s Tulang Tulala which consisted of poems in English, Filipino and Bikol Rinconada.

The board of judges—composed of J. Neil Garcia, Jaime An Lim, and Vincent G. Groyon III—are delighted to read the interestingly new and relevant subjects of the well-written English first books of 2007. Among the sterling nominees are Dean Francis Alfar’s Salamanca (novel); Barbara-Ann Gamboa Lewis’s Barefoot in Fire (creative non-fiction) ; Maria Isabel Garcia’s Science Solitaire (essays); Rica Bolipata-Santos’ s Love, Desire, Children, Etc (essay); Helen Yap’s From Inside the Berlin Wall (essay); and Katrin De Guia’s Kapwa; The Self In The Other (essay).

Also during the award, the Likhaan 2007: The Journal of Contemporary Philippine Literature, edited by Jose Y. Dalisay, J. Neil Garcia, and Lilia Quindoza Santiago will be launched. U.P. Diliman Chancellor Sergio S. Cao, staunch supporter of the literary arts, will be the guest of honor.

After the book awards and launch, the party will take place in the same venue. Everyone can enjoy the performances by invited guests Cesare Syjuco, Heber Bartolome, DJ Alvaro, dancer/choreographer Myra Beltran, zitar player Joey Valenciano, ventriloquist Ony Carcamo, experimental artist Yanna Acosta, Romancing Venus, and poets Marne Kilates and Teo Antonio.

Then, everyone will be in for a surprise as daring writers joins a mock fashion show staged by campus groups UP Quill, UP Speca, UP Ugat and UP Writers Club. All in the spirit of carnivalesque play.

Friends and guests of writers, as well as readers and fans are welcome to attend the 2007 Writers Night. For details, call Ms. Eva Cadiz at U.P. ICW, 9221830.

Sa aking pagkakaalam, magbibigay din ng tribute kina ser Rene Villanueva at Monico Atienza mamaya. Sumalangit nawa ang kanilang mga kaluluwa.

Congrats, Pau!

Friday, December 7th, 2007

Nanalo po ang aking mabuting kaibigan na si Pau Hernando sa Timpalak DFPP ng UP Diliman, sa kategoryang Panunuring Pampanitikan.

Congrats uli, Mandy! Gaya ng sabi ni JC, premyado na ang ___! Hehe.

May magpapainom bukas sa UP Writers’ Night!

Protected: Ako ang Kontrabida, Bow.

Saturday, December 1st, 2007

Para basahin ang akdang ito, paki-enter ang lalawigang kinalakhan ng angkan ni Corsarius: