24thNovember

Pagkakaroon ng Peyborit na Kape

Kape!

Naaalala ninyo siguro ang pagmumuni ko mga dalawang buwan na ang nakakaraan tungkol sa pagkakape, na noo’y isang bagong aktibidades para sa akin.

Ngayon, nagkaroon na ako ng hilig sa isang brand ng kape: ang French Vanilla Cappuccino Mix 100 Calorie Packs ng General Foods International Coffee. (Wish ko lang ay mabayaran ako sa pag-pa-plug dito.) Nagkataon lang kasing napadayo ang aking ama sa Puregold sa Clark, Pampanga, at nakapag-uwi siya ng isang munting kahon nito.

E pumatok sa akin. Hindi ako food and beverage writer, at hindi ko alam kung papaano ilarawan ang kasarapan ng kapeng ito. Basta, ito ay ambrosia.

Kaya noong nalaman ko na babalik siya sa Clark (kasama sa trabaho), nagpabili ulit ako nitong French Vanilla Cappuchichi Wateber. Ayun, nag-uwi ng tatlong kahon.

Minsanan lang naman e.

Solb.

P.S. Ilang araw na ang nakalipas, nagkakape ako nang maalala ko na mahilig ang pumanaw naming aso sa tinapay na isinawsaw sa kape. Maya-maya pa ay naghulog ako ng isang piraso ng de-kapeng tasty bread sa aming garden box. Doon namin inilibing si Fischer.

Isang Komento para sa “Pagkakaroon ng Peyborit na Kape”

  1. Ang sabi ni A Dose of Coffee and the City…on a Moleskine » Crimson Crux:

    [...] was especially enamored of this design because 1) I love coffee, and 2) I have a strong interest in cities and urban planning. Not to mention that I interpret the [...]

Ibahagi ang Inyong Iniisip