Archive for November, 2007

Para sa mga Kimpee

Thursday, November 29th, 2007

Para sa kung sinumang mapadaan na kamag-anak ko o kapwa Aklanon: bukas na po ang Kimpo.ph websayt. Ah, pati rin pala ang Kimpo 2008 International Reunion blag.

Ang ilang detalye tungkol sa pagpapasinayang ito ay matatagpuan sa Crimson Crux.

Pagkakaroon ng Peyborit na Kape

Saturday, November 24th, 2007

Kape!

Naaalala ninyo siguro ang pagmumuni ko mga dalawang buwan na ang nakakaraan tungkol sa pagkakape, na noo’y isang bagong aktibidades para sa akin.

Ngayon, nagkaroon na ako ng hilig sa isang brand ng kape: ang French Vanilla Cappuccino Mix 100 Calorie Packs ng General Foods International Coffee. (Wish ko lang ay mabayaran ako sa pag-pa-plug dito.) Nagkataon lang kasing napadayo ang aking ama sa Puregold sa Clark, Pampanga, at nakapag-uwi siya ng isang munting kahon nito.

E pumatok sa akin. Hindi ako food and beverage writer, at hindi ko alam kung papaano ilarawan ang kasarapan ng kapeng ito. Basta, ito ay ambrosia.

Kaya noong nalaman ko na babalik siya sa Clark (kasama sa trabaho), nagpabili ulit ako nitong French Vanilla Cappuchichi Wateber. Ayun, nag-uwi ng tatlong kahon.

Minsanan lang naman e.

Solb.

P.S. Ilang araw na ang nakalipas, nagkakape ako nang maalala ko na mahilig ang pumanaw naming aso sa tinapay na isinawsaw sa kape. Maya-maya pa ay naghulog ako ng isang piraso ng de-kapeng tasty bread sa aming garden box. Doon namin inilibing si Fischer.

Mga Retrato ng Aking Panayam sa TV

Friday, November 23rd, 2007

Narito po. Opo, paki-click iyan hehe.

Poof! It Became Koko Krunch!

Friday, November 16th, 2007

Binigyan ko si Ia ng link sa isang artikulong pinamagatang, Self-effacing people are secretly confident, kung saan sinasabing:

“It may be that parents in all societies, especially mothers, adore their children and put them on a pedestal, so that children worldwide absorb a highly positive self-concept,” said Greenwald.

Ang sagot ni Ia:

Ia: and then they grow up and get jeered by peers
Ia: poof! it became koko krunch

Panalo na naman!

TV Guesting: Mamaya Na!

Wednesday, November 7th, 2007

Mamaya na pong mga 2 or 3 ng hapon ang airing ng episode ng At Your Pleasure, Nancy ni Nancy Castiliogne kung saan lalabas ako.

Para sa lahat ng detalye, magsadya po lamang sa aking Slip of the Pen blog.

Nawawala si Jumong!

Monday, November 5th, 2007

Hindi ang bida ng Koreanovela, ngunit ang pusa naming may lagpas isang taong gulang na. Tatlong araw na siyang hindi umuuwi sa bahay.

Jumung! :(

Ang pinakamalumbay sa amin ngayon ay ang aking ama. Siya ang umampon kay Jumong noong payatot na kuting pa lang ito. Paano ba namang hindi mag-aalala ang ama ko, e bawat gabi sa kanyang pagparada sa tapat ng aming apartment unit, tatalon si Jumong sa hood ng kotse para bumati sa kanya. At hindi tumatalon si Jumong sa kung anong kotseng pumaparada sa tapat namin — alam niya kung alin ang kotse ng aking ama.

Nawa’y maayos ang kalagayan niya ngayon, at kung sakali mang may masaklap na nangyari sa kanya, Siya na ang mag-aalaga sa aming pusa.