26thOctober
Kaboom.
At nangalahati ang isang pangarap. Kalmado na ako ngayon pero masasabi ko pa rin nang may malakas at siguradong boses na napakatarantado ng mga taong hindi propesyunal.
Sa sobrang galit ko kanina ay kung ano-ano na ang nasasabi ko. Pero alam kong nasabi ko lang ang mga iyon dahil gusto kong protektahan ang kapakanan ng mga kaibigan ko, at sa isang maramot na banda, ang aking reputasyon at pagiging isang taong “may isang salita”.
Pasensya na sa aking mga kolega na naapektuhan ng ‘outburst’ ko kanina. Sa mga mahilig mag-underestimate ng mga tao (lalo na ng mga manunulat at dibuhista), may araw rin kayo.