Happy Kimps
Natsambahan kong makausap muli sa YM ang aking mabuting kaibigan (at kapanalig mula pa sa UP DCS) na si DJ Saracin. Ang mga napagdaldalan: pagtutula (Ang tulang Paghinga ni DJ ang isa sa mga naging inspirasyon ko upang galugarin ang sarili kong potensyal ilang taon na ang nakaraan), at siyempre, trabaho (bwiset, ang tatanda na namin).
Sa ikalawang sunod na pagkakataon, natuwa ako sa isang nasabi ng aking kausap:
DJ: congrats kimps, marunong ka palang magtanggal ng lungkot!
Paano ba naman, kilala kasi ako ng mga malapit sa akin bilang isang taong madaling ma-depress o ma-badtrip.
DJ, aantayin ko ang text mo tungkol sa pagtutula. Hehehe.
P.S. Kahapon ay may pinuntahan akong napakahalagang pulong. Sa mga susunod na araw linggo buwan taon ko na lang ito ibabahagi sa inyo. (Aba, ma-intriga!)
September 21st, 2007 at 2:37 am
[...] have led to what could become a major development in my life as a Filipino writer in Filipino. (This post’s postscript adds a bit more intrigue to [...]
September 27th, 2007 at 8:44 am
hahaha, naaalala ko pa yung tulang iyon! gs2m ko rin un; ung tulang iyon nakakapagpaalala sa akin na masarap tumula, lalo na sa pilipino =P nahanap ko 2ng blog mo dahil may cursor member na nagbabasa pala nito tapos nagkausap kami isang araw na mag nabanggit ka nga tungkol sakin haha. poetry seems like a past life when I try to think of it - may be it is! ^_^
September 29th, 2007 at 3:49 am
uy DJ, maraming salamat at napadpad ka dito. nagulat ako at naisipan mong gumala sa blogs ko hehe.
poetry is your past life ba kamo? e di hatakin natin siya papunta sa kasalukuyan! at saka, hindi ‘yan mawawala ng basta-basta sa iyo. nasa dugo mo na ‘yan.