15thSeptember

“Sublimity of the Briefness of the Chorva”

Sa pamamagitan ng walang kamatayang YM, kanina ay may pinabasa akong bagong-gawang tula kay Ia. Ang reaksiyon:

Ia: it’s soooooo perfect.
Ia: sublimity of the briefness of the chorva.

Di ako nagmamayabang, dahil malamang sa malamang ay maraming makakapuna ng masama sa tulang ito. Labis lang akong natuwa sa komento ni Ia. Kasing-ikli — ngunit kasing-siksik — ng aking tula.

Siyempre, nakatulong din na iyon ang pinakamabait niyang reaksiyon sa lahat ng aking mga akda, hehe.

P.S. Ilang oras pagkatapos ng nasa itaas:

Ia: ym sux!!!
Ia: ym sux!!!
Ia: ym sux!!!

Sumasang-ayon ako. Kahit hindi sira ang keyboard mo (tulad ni Ia), napaka…unnatural ng mga usapan sa YM. At nanggagaling iyan sa dalawang táong bihasa na dito.

5 mga Komento para sa ““Sublimity of the Briefness of the Chorva””

  1. Ang sabi ni ia:

    :( It’s depressing.

  2. Ang sabi ni Corsarius:

    :( Darating din ang bukang-liwayway.

    (Ehe. Napupunta ata ako sa bangag-mode pag napapadpad sa blog na ito.)

  3. Ang sabi ni Garro:

    ok kaya yung usapang YM. pwedeng sampung tao ang kausap mo ng sabay-sabay. sana nga may hands-free na paraan para mag-chat sa ym (chat ha hindi talk).

  4. Ang sabi ni Corsarius:

    May bentahe rin naman ang YM conversation, kaso kapag malapit na kayo ng taong kausap mo, parang nalilimitahan na kayong dalawa sa bilis ng pagsasalita, bilis ng pagpapalit ng daloy ng usapan, facial expressions (dahil puwedeng magmukhang mataray ang isang pangungusap sa YM kahit di ‘yon sinasadya ng nagsalita), etchas, hehe.

  5. Ang sabi ni Corsarius:

    Ay, Garro, tska may hands-free naman…’yung “Call computer” function nga lang. Hindi ko sigurado kung puwede conference doon :P

Ibahagi ang Inyong Iniisip