Archive for September, 2007

Isang Bagong Bookshelf Bawat Taon

Saturday, September 29th, 2007

‘Yan ata ang kakailanganin ko sa susunod pang mga taon.

Nitong huling linggo ay dumating ang aking bagong bookshelf (Orocan lang at hindi burgis na narra), kaya naman nailipat ko na ang mga librong nakatambak sa sahig — mga aklat na binili lang nitong mga huling buwan (heto, at heto pa!).

Dahil mabusisi ako pagdating sa pag-aalaga ng aking mga libro, inabot ng kalahating araw ang aking paglilipat-libro. Ang resulta (i-klik lang para lumaki):

Ang bookshelf ni Corsarius, luma at kahoy.

Ang lumang bookshelf sa aking silid. Ngayon, 2/3 ng mga aklat at magasin dito ay iyong mga nabili ko lang nitong taon. At nasa Setyembre pa lang tayo.

Ang bookshelf ni Corsarius, bago at plastik.

Ang bagong bookshelf sa kabilang silid. Napuno kaagad! Siksik na siksik ang mga paperback sa ibabang shelf.

Hay. Ayos lang naman bumili ng bagong bookshelf bawat taon; ang problema, wala na akong mapaglalagyan sa bahay! Nakatira lang kami sa isang makitid na apartment unit, kung saan space is a premium. Naks.

P.S. At may dumagdag kaagad na isang aklat. A Dog About Town, na siyang ipinadala sa akin ng manunulat na si J.F. Englert mula pa sa Da Big Apol. Napunta yata siya sa aking Ingles na blog sa tulong ng Google at ng aking post tungkol sa namayapa kong Dalmatian.

Maraming salamat, Fischer.

Napatda

Wednesday, September 26th, 2007

Gusto kong magsulat ng marami ngunit nakakapraning ang nakaambang trabaho.

Gusto kong magtrabaho ng marami ngunit nakakapraning ang nakaambang pagsusulat.

Gusto kong magblog ng marami ngunit naiipit ang aking bait sa dalawang nasa itaas.

Gusto kong magbasa ng marami ngunit naiipit ang aking bait sa tatlong nasa itaas.

Salang Di Nasala

Monday, September 24th, 2007

Kapag binabago mo ang mga masasamang ugali mo, napakahirap na mapansin ng ibang tao ang ginagawa mong sakripisyo at pinagdaraanang pagdurusa. Dahil kahit alam mong napakarami mo nang nasala at napigilang pagkakasala, kapag may nakapuslit na kahit isa sa sampu, patay ka.

Sa tingin ng mga tao, masama ka pa rin.

Tangina talaga, ano?

UA&P, Megamall, Atbp.

Sunday, September 23rd, 2007

Kahapon ay dumalo kami ni Ia sa isang lecture ni sir Joey Baquiran sa University of Asia and the Pacific. Unang beses naming pumunta sa UA&P.

Sa kasamaang palad, hindi ganoon kadami ang pumuntang kasapi at fellows ng LIRA, pati na rin ang mga mag-aaral ng nasabing pamantasan at mga kasapi ng Haranya. (Ang Haranya ay isang samahang pampanitikan sa UA&P.)

Sa kabutihang palad, marami akong natutuhan mula sa lecture na pinamagatang “Saan Patungo?: Ang Sining ng Tula ng mga Kabataang Makata sa Filipino”.

Pagkatapos ng lecture, nilibre kaming mga taga-LIRA ng tanghalian ni sir Ronnie ng Haranya. Maraming salamat po!

Pagkatapos ng libre, nilibre ko si Ia at Jen-Jen (nakababata kong pinsan) ng Krispy Kreme at Istarbaks sa Megamall. Nagpaayos kasi si Jen-Jen ng laptop niya.

Pagkatapos ng ikalawang libre, umuwi akong laspag ang katawan, at lalo pang nalaspag ng pagbubuhat ng bagong bookshelf mula unang palapag hanggang ikatlo.

Dahil dito, hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon, at dahil dito, hindi ako makadadalo ng isa pang lecture tungkol sa panulaang Intsik sa KAISA Museum, na katabi ng Manila Cathedral.

O siya, magpapahinga na ako. Talagang hindi lang ako makalayo nang matagal sa Internet e.

P.S. Ito ang palitan ng text messages namin ni Ia kahapon ng 5:30 ng umaga:

Ia: “I’m alive awake enthusiastic. 4:30 ako nagising.”

Ako: “I’m alive awake enthusiastic. Insomnia since 1:30.”

Puting Ina Mo!*

Friday, September 21st, 2007

Kung galing ka sa sa Islip op da Pen, mabuhay! Sabi ko sa aking huling post doon ay may malulutong akong mura sa blog na ito, kaya heto, hetong sa inyo!

Puting ina mo!*

(Sana’y wala masyadong magalit. Kailangan ko pa naman ng pagmamahal ng sangkatauhan. Kundi…magpapaka-emo ako.)

(Emo…ugh.)

*Para lang sa mga tisoy/tisay at tsinito/tsinita at may nanay na nag-e-Ever Bilena o Likas Papaya.

“Yehey, Suspended!”

Thursday, September 20th, 2007

Nanaginip na naman ako kanina na kailangan kong pumasok sa UP. Nagpa-panic daw ako dahil hindi ko alam kung suspended ang klase “kahapon” dahil sa ulan. Pag-gising ko lang naalala na nagtapos na pala ako ng pag-aaral, at work-from-home ako.

Ilang beses na akong nanaginip ng ganito. College life trauma? Hehe. Paano naman kasi, sa bawat semestre sa Diliman at sa halos lahat ng mga kurso ko, naabot ko ‘yong maximum absences allowed (anim).

Ang dakilang delingkwente!

Ikaapat na Araw ng Lagnat

Tuesday, September 18th, 2007

Aral sa buhay: Mahirap magpagaling ng sakit kapag kinakailangan mong magtrabaho (dahil hinahanap ka ng iyong boss at kakakuha mo lang ng bagong proyekto at mataas pa naman ang sahod mo).

Tanong sa buhay: Pera o panitikan?

E parekoy, paano naman ang kalusugan mo?

Kalusugan? Ano ‘yon?

Ah.

Isang afterthought.

Happy Kimps

Monday, September 17th, 2007

Natsambahan kong makausap muli sa YM ang aking mabuting kaibigan (at kapanalig mula pa sa UP DCS) na si DJ Saracin. Ang mga napagdaldalan: pagtutula (Ang tulang Paghinga ni DJ ang isa sa mga naging inspirasyon ko upang galugarin ang sarili kong potensyal ilang taon na ang nakaraan), at siyempre, trabaho (bwiset, ang tatanda na namin).

Sa ikalawang sunod na pagkakataon, natuwa ako sa isang nasabi ng aking kausap:

DJ: congrats kimps, marunong ka palang magtanggal ng lungkot!

Paano ba naman, kilala kasi ako ng mga malapit sa akin bilang isang taong madaling ma-depress o ma-badtrip.

DJ, aantayin ko ang text mo tungkol sa pagtutula. Hehehe.

P.S. Kahapon ay may pinuntahan akong napakahalagang pulong. Sa mga susunod na araw linggo buwan taon ko na lang ito ibabahagi sa inyo. (Aba, ma-intriga!)

Magkape Tayo Tuwing Umaga, Tuwing Umagaaaa

Sunday, September 16th, 2007

Baka iyan ang maging theme jingle ko sa sa mga susunod pang araw. Kanina (isang oras na ang nakaraan, bale kagabi) ay ininom ko ang una kong kape na hindi galing sa Istarbaks/Pigaro/Siyatel’s Best/Yu Si Si.

(Iced coffee nga lang. Heh.)

(At oo, 22 anyos na ako. May isa akong pinsan na paslit pa lang, lumalaklak na ng Nescafe.)

Marahil ito na ang solusyon sa aking pagkawalang-gana sa trabaho dulot ng laging pagpupuyat.

“Sublimity of the Briefness of the Chorva”

Saturday, September 15th, 2007

Sa pamamagitan ng walang kamatayang YM, kanina ay may pinabasa akong bagong-gawang tula kay Ia. Ang reaksiyon:

Ia: it’s soooooo perfect.
Ia: sublimity of the briefness of the chorva.

Di ako nagmamayabang, dahil malamang sa malamang ay maraming makakapuna ng masama sa tulang ito. Labis lang akong natuwa sa komento ni Ia. Kasing-ikli — ngunit kasing-siksik — ng aking tula.

Siyempre, nakatulong din na iyon ang pinakamabait niyang reaksiyon sa lahat ng aking mga akda, hehe.

P.S. Ilang oras pagkatapos ng nasa itaas:

Ia: ym sux!!!
Ia: ym sux!!!
Ia: ym sux!!!

Sumasang-ayon ako. Kahit hindi sira ang keyboard mo (tulad ni Ia), napaka…unnatural ng mga usapan sa YM. At nanggagaling iyan sa dalawang táong bihasa na dito.

Dati Ko Pang Gustong Gumawa ng Walang Katuturang Blog Post sa Isang Blog na Ginawa Para Lagyan ng Katuturan

Friday, September 14th, 2007

7:29 ng umaga.

Matutulog na ako.

“Lugi sa Salin”

Friday, September 14th, 2007

Iyon ang katumbas ni Ginoong Marne Kilates para sa “Lost in Translation”.

Gets na gets ko ang ibig sabihin ni Ser Marne. Luging-lugi ako sa pagsasalin ng dalawa sa sarili kong mga tula. Ilang oras din ang ginugol ko, at hilong-hilo na ako.

Mas lalo kong nauunawaan ang kagandahan ng wikang atin kaysa wikang dayuhan. May angking katangian ang Filipino na hindi mapapantayan ng Ingles, lalo na sa pagtutula.

Walang Pasicut-sicut

Thursday, September 13th, 2007

Mga ilang buwan na ang nakaraan, napag-usapan namin ni Garro sa YM ang Sic, ang salitang Latin na madalas makita sa mga quoted text.

Kung magiging seryoso si Garro sa pagsusulat, malayo ang mararating niya dahil sa kanyang pagkawili sa mga wordplay. Heto ang Garroism noong araw na iyon:

[sic] = sadya ito cumag

Ayus!

P.S. Puwede rin palang cupal.

Enchanted Kingdom

Wednesday, September 12th, 2007

Hindi, di ako pumunta sa pamosong amusement park sa Sta. Rosa, Laguna. Hindi pa ako nakatatapak doon. Hanggang Paskong Pasiklab lang ako sa Commonwealth sa Lungsod Quezon…noong buhay pa ito.

Ang tinutukoy ko rito ay ang Enchanted Kingdom art exhibit sa White Box Gallery, Cubao/Marikina Shoe Expo. Kahapon lamang ang huling araw ng exhibit. Napadpad ako doon noong Agosto 28, kasama si Ia at Garro, sa paanyaya ng aking kaibigan at kapwa makata na si Kel Juan, na siya namang wan-en-onli ng isa sa mga pintor sa exhibit (Caloy Gernale).

Bakit Enchanted Kingdom? Marahil, ito ay isang patama sa kasalukuyang kinalalagyan ng ating bansa at lipunan; lahat ng mga likha sa exhibit ay mga komentaryo tungkol sa Pilipinas. Ito ang dahilan kung kaya ako’y natuwa sa exhibit — alam ng mga kalapit kong manunulat na mas gusto ko ang maka-lipunan na mga akda/likha kesa sa personal.

Hindi ako magaling na kritiko pagdating sa Magandang Sining (Fine Arts), at di ko rin gustong maging isa, kaya ipapaubaya ko na sa iba ang pagsuri sa mga likha. Sapat na ang buod ng aking reaksiyon sa mga likha:

  • Pinaka-nagustuhan ko ang Isang Dipang Langit (paumanhin sa pintor nito — nakaligtaan ko na ang pangalan mo). Perspektib na mula sa isang eskinita, perspektib na pinapagitnaan ng dalawang hilera ng madidilim na mga barong-barong, perspektib kung saan ang kaunting sinag ng araw ay nabahiran pa ng linya ng kuryente (na malamang ay ilegal ang pagkakakabit? hehe). Malamang sa malamang, ang pamagat nito ay hango sa tula ni Amado V. Hernandez. Ang tula ay malupit, ang painting ay malupit. Kung mayaman lang sana ako at may malaking mansyon upang paglagyan, bibilhin ko ito.
  • Maganda ang mga likha ni Caloy; pinaka-nagustuhan ko ang kanyang Go West (tama ba?), kung saan kasama ni Hulk Hogan (sa kanyang walang kamatayang pose) si GMA.
  • May dalawang ano ngayon?! na likhang-sining sa exhibit. Di ko na tinandaan ang mga pamagat nila.

Unang beses kong pumunta sa art exhibit ng kakilala, at dahil dito ay parang napukaw ang aking interes sa Magandang Sining. Puro panitikan na lang kasi ako. Mayroon pang susunod na exhibit sina/si Caloy sa Disyembre; babalitaan ko lang kayo.

P.S. Buti na lang at kakaunti ang retratong nakuhanan sa akin doon. May malaki akong PIMPOL sa ilong e.

Sa Simula

Wednesday, September 12th, 2007

Sa simula ay wala?
Masdan ang mga talà:
Lahat, nasa simula.

1:49 AM
Setyembre 12, 2007

Hm, ito na marahil ang panahon upang sabihin ito…”Welcome! Mabuhay! Have a nice stay!”

Tangina, salamat at nabuksan na rin itong blog na ito.